College Sweethearts, Nag Loan ng Pangarap nilang Bahay at Binigyan nila ito ng Bagong Itsura sa Loob na may Scandinavian-Inspired na Disenyo

Napakaganda ng naging disenyo ng bahay na ito na pagmamay-ari ng college sweethearts na sina Jessalyn at Jay Igasan. Bagamat maliit lamang ito kumpara sa ibang bahay, walang duda na napakaganda pa rin nito.

Taong 2014 nang mabili nila ang kanilang bahay na may sukat na 46 sqm. Sa unang 18 na buwan ay binayaran nila ang downpayment ng bahay at sunod namang binayaran ang kanilang bank housing loan.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Ngunit dahil tumaas ang interest matapos ang limang taon, nagdesisyon silang bayaran na lamang ito nang buo noong nakaraang taon. Dagdag pa sa pagbabayad ng kanilang bahay, naapektuhan din ang kanilang kita noong dumating ang pandemya.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Dalawang beses sa isang linggo na lamang pumapasok si Jessalyn sa clinic na kaniyang pinagtatrabahuan samantalang si Jay na noo’y nagtatrabaho sa tatlong clinic at dalawang ospital bilang isang doktor ay pumapasok na lamang sa isang clinic at isang ospital. Dahil dito, kinailangan nilang magtipid at magbawas ng ibang mga gastusin.

Sa kabila ng kanilang mga pinansyal na hamon, sa wakas ay nagsimula na rin sila sa pagdedesenyo ng kanilang tahanan. Una silang kumuha ng isang interior designer ngunit sa kasamaang palad, hindi natapos ang proyektong ito.

Matapos noon, itinuloy pa rin nila ang napagplanuhang house blessing at makalipas ang limang taon, nagdesisyon silang simulan muli ang renovation ng bahay. Scandinavian theme ang napili nilang disenyo ng bahay. Kumuha rin sila ng ilang inspirasyon mula sa internet. Agad din silang bumili ng mga materyales at naghanap ng mga taong magtatrabaho para sa kanila.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Talaga namang napakaganda ng naging resulta ng bahay na ito. Magkahalong puti at neutral ang mga naging kulay ng bahay. Punong-puno rin ito ng mga kagamitan na gawa sa kahoy gayundin ng mga litrato ng kanilang pamilya.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Mayroon din itong isang dining area na talaga namang mukhang napaka-elegante.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Maliit ngunit kumpleto naman sa mga kagamitan ang kanilang kusina. Mayroon din itong foldable countertop na nakakatipid sa espasyo.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Napaka elegante din ng pagkaka renovate sa kanilang banyo kung saan nagpaganda dito ang kanilang mga inilagay na built in na kahoy na may mga halaman.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Maganda din ang ginamit nilang wall tiles na may napakagandang dekorasyon.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Mapapansin din ang inilagay nilang open cabinet kung saan kinulayan lang nila ito ng puti na maganda ang pagkakakombinasyon sa kanilang wall tiles. Kakaiba din ang kanilang salamin kung saan mayroon itong kahoy sa gilid na nagbigay ng magnadang disenyo at itsura kung saan mas naging galante tignan ang kanilang banyo.

Photo credits: Jessalyn Isagan | Facebook

Masayang-masaya ang mag-asawa sa kanilang bahay. Hindi nila alintana ang maliit nitong espasyo dahil repleksyon naman ito ng kanilang mga sakripisyo at pagtutulungan.

Payo nila sa mga taong nais rin magkaroon ng bahay, mainam na mag-ipon, magkaroon ng budget, at kumuha ng magandang property.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *