Champorado Tuyo Donut ng 74-year-old na Lola Patok na Patok sa Masa, Kumikita ng Php50,000 hanggang Php80,000 sa Isang Linggo

Maraming negosyante ang maagang nagsisimula sa kani-kanilang sariling negosyo. Sa kabila nito, totoo rin naman na walang pinipiling edad ang pagiging isang matagumpay na negosyante. Ito ang pinatunayan ng 74 taong gulang na negosyante mula sa Davao City na si Lola Vita Avanceña.

Ayon kay Lola Vita, binuksan niya ang kaniyang donut business noong nagsimula ang pandemya. Matatandaang nagkaroon noon ng paghihigpit sa buong bansa kaya naman walang nagawa ang mga tao kundi ang manatili sa kanilang mga tahanan upang maging ligtas.

Photo credits: Pera Paraan | Youtube

Dahil sa mahabang panahon ng pamamalagi sa loob ng kanilang tahanan, hindi naiwasan ni Lola Vita na mabagot kaya naman ang pagluluto ang kaniyang naging libangan. Isa nga sa kaniyang nasubukang gawin ay ang pagluluto ng donuts. Nagustuhan ito ng kaniyang pamilya at hinikayat nila si Lola Vita na ibenta ito online.

Photo credits: Pera Paraan | Youtube

Sa halagang Php5,000, nagsimula na nga ang pagbebenta ni Lola Vita ng donuts. Dito na nga nagsimula ang negosyo niya na Lola Vita Donuts. Hindi naman nagtagal ay nagustuhan rin ng mga tao ang produkto ni Lola Vita.

Photo credits: Pera Paraan | Youtube

Sa ngayon, tuloy-tuloy at regular pa rin ang orders ng kaniyang donuts kaya naman mula sa kaniyang maliit na kapital, ipinagmamalaking ibinahagi ni Lola Vita na kumikita na siya ngayon ng Php50,000 hanggang Php80,000 sa isang linggo lamang. Humihigit din sa halagang ito ang kaniyang kinikita sa tuwing sumasali sila sa mga food bazaars.

Photo credits: Pera Paraan | Youtube

Dahil sa laki ng kinikita ni Lola Vita, ibinahagi niya ang naging susi sa tagumpay na ito. Ayon sa kaniya, nagkaroon ng magandang epekto sa kaniyang negosyo ang pagsisikap. Bukod dito, pinapanatili rin nila ang magandang kalidad ng kanilang mga produkto.

Photo credits: Pera Paraan | Youtube

Marahil ay isa ring rason kung bakit patok na patok ang donuts ni Lola Vita ay dahil sa mga kakaibang flavors ng mga ito gaya ng double cheese, quadruple cheese, kapeng barako, tsokolate, at dulce de leche.

Pinatunayan ni Lola Vita na totoong hindi pa nga huli ang lahat para sa mga taong nais magsimula ng kanilang sariling negosyo. Gaya ni Lola Vita, siguradong magtatagumpay rin ang isang tao sa pagbubukas ng kaniyang napiling negosyo basta’t patuloy lamang ang pagiging masipag, madiskarte, at malikhain.

Lola, nakabuo ng waging donut business nu'ng pandemya! | Pera Paraan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *