15 Years Old na Babae, Nakapagpatayo na ng Bahay mula sa kanyang Kinikita sa kanyang Online Business at Youtube Channel

Sinong mag aakala na ang isang 15 taon gulang na bata ay nakapagpatayo na ng bahay para sakanyang pamilya? Siya ang 15 years old na si  Love Marie Pugal isang content creator sa youtube na nakahiligan ang pag vivideo. Grade 9 student palang si Love Marie at kasalukuyang nag-aaral.

Ibinahagi ng kanyang ina na si Rosanne Pugal 42 years old sa private group na Home Buddies ang kwento kung paano nakapag pagawa ang kanyang anak mula sa kinikita nito sa youtube sa isang community sa facebook kung saan ang mga miyembro ay mga home enthusiast.

Kwento ng ina na hindi nya sukat akalain na ang simpleng pinagkakaabalahan ng kanyang anak na pag vivideo sa tungkol sa mga video game nito gaya ng Gacha life at pagawa nito ng mga short video animations na nagtatampok ng anime styled characters ang magbibigay ng ginhawa sa kanilang pamilya.

Photo credits: Rosanne Sabas Pugal | Facebook

August 20, 2020 daw noon at kasagsagan ng lockdown ng magsimulang gumawa ng account sa youtube ang kanyang anak na si Love Marie at magupload ng mga videos nito. Dahil apektado ng pandemya ang negosyo nilang mag-asawa na pagtitinda ng mga street foods gaya ng kwek-kwek ay nawalan sila ng pangita na tanging sumusuporta nalang sa kanilang pamilya.

Hindi naman nila sukat akalain na ang anak nilang si Love Marie ang sasagip sakanila kung saan ito ang sumagot sa lahat ng pangangailangan nila noong panahong gipit na gipit ang pamilya dahil sa pinatupad ng gobyerno na paghihigpit.

Maliban din daw sa pagiging isang youtuber ni Love Marie ay isa rin itong online seller kung saan nagtitinda ito ng mga K-pop merchandise. Proud din na ibinahagi ni Rosanne na hindi naman daw napapabayaan ng kanyang anak ang pag-aaral nito at sa katunayan isa itong honored student.

Photo credits: Rosanne Sabas Pugal | Facebook

Ang pinaka biggest achievement daw ng kanyang anak ay ang makapagpagawa ng bahay sa murang edad. Gumastos daw ang kanyang anak ng halos Php1.2M sa 2-storey house nilang ito na may 4 bedrooms, 2 cr and bath at may roofdeck pa.

Photo credits: Rosanne Sabas Pugal | Facebook

Photo credits: Rosanne Sabas Pugal | Facebook

Photo credits: Rosanne Sabas Pugal | Facebook

Ayon pa kay Rosanne na ang anak mismo nila ang nagalok na sasagutin muna nito ang grocery nila habang wala pang pinagkakakitaan ang mga magulang. Kwento pa ng ina na nagulat nalang sila ng sinabihan sila ng kanilang anak na kung maari gawa siya ng bank account dahil kailangan daw nito sa kanyang youtube channel na namonetized na.

Pagbabahagi naman ni Rosanne na pinost niya ang achievement ng kanyang anak hindi upang magmayabang, ibinahagi niya daw ito upang maging inspirasyon din sa iba at sobrang proud lang talaga siya sa kanyang anak dahil sa murang edad ay sobra sobra na ang achievement.

Sa kasalukuyan ay naka focus naman si Love Marie sakanyang pag-aaral dahil ayaw niya din itong pabayaan kahit na malaki ang kinikita sa kanyang youtube channel at online business.

Ano ang masasabi ninyo sa achievement ng batang ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *