Para sa karamihan ang tagumpay ay masusukat kung ano ang narating nila sa buhay o di naman kaya kung ano ang kanilang mga naipundar.
Pero para sa mga magulang na na isang Tricycle Driver at isang mananahi, ang tanging pangarap at tagumpay na kanilang nakamit ay ang makitang nakapagtapos lahat ng kanilang mga anak at may kanya kanya na itong magandang kalagayan sa buhay.
Sa facebook page na “Peso Sense” ibinahagi ng isa sa mga anak ng tricycle driver at mananahi ang naging greatest achievement ng kanilang mga magulang at kung ano ang mga pinagdaanan ng mga ito bago nila makamit ang kanilang mga pinapagarap.
Ayon sa kwento ng isa sa mga anak, na ang kanyang tatay ay isang tricycle driver ngunit wala itong sariling tricycle kaya nakikiboundary lang ito. Samantala ang kanyang ina naman ay isang mananahi na pakyawan kung manahi kaya naman hindi masasabing steady ang kanilang kita dahil minsan wala minsan ay mayroon.
Dahil sa nakikita ng magkakapatid na nahihirapan ang kanilang mga magulang na itaguyod ang kanilang pag-aaral, tumulong ang mga ito sa pamamagitan ng pag woworking student at pinursige na makapasok sa scholarship program.
Photo credits: Pesos Sense | Facebook
Dahil narin sa pagpupursige ng kanilang mga magulang at pagtutulungan ng magkakapatid para matulongan din ang kanilang mga magulang sa gastusin, nakapagtapos sa kolehiyo ang apat at ngayon ay pawang mga propesyonal na.
Photo credits: Pesos Sense | Facebook
Ang apat na magkakapatid ay nakapagtapos at pawang mga board passer,
“Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer.”
Narito ang buong kwento ng isa sa magkakapatid.
“Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar. Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).
Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. 😅 Natutulog kami sa sala. 😊 Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO 😇😇😇”
Madami naman ang humanga at nainspired sa kwento ng magkakapatid na ito at ng kanilang mga magulang na nagpursige na makaahon sa hirap, ngayon nakapagpatayo narin sila ng bahay at nabilhan ng sasakyan ang kanilang mga magulang.
Photo credits: Pesos Sense | Facebook
Photo credits: Pesos Sense | Facebook