“Traysikel na Sari-sari Store pa” Isang Senior Citizen, Hinangaan sa Social Media Dahil sa Pagiging Madiskarte

Sa panahon ngayon kailangan doble kayod na at mas galingan pa sa diskarte para kumita ng pera at may iuwi sa pamilya. Sa nagtataasang bilihin dahil sa pagtaas ng petrolyo, madami ang apektado, kahit mga mayayaman at may pera ay umaaray paano pa kaya ang mga taong maliit lang ang kinikita sa isang araw.

Kaya naman naging inspirasyon ang isang ama na tricycle driver matapos kumalat sa social media ang kanyang kakaibang diskarte. Sa edad na 63 taon gulang, hindi iniinda ni Tatay Crisostomo ang pagod at ang init ng araw para lang mamasada ng kanyang tricycle at may maiuwi sakanyang pamilya.

Araw-araw namamasada si Tatay Crisostomo at ang nakakamangha dito ay nakaisip siya ng diskarte upang madagdagan ang kanyang kakarampot na kinikita sa pamamasada ng tricycle. Sa isang post ng kanyang naging pasahero na si Allana Abbiegail, ibinahagi nito ang naging karanasan niya sa pagsakay sa tricycle ni Tatay Crisostomo at humanga dahil sa kakaibang diskarte nito. Makikita sa larawan ni pinicturan ni Abbiegail na maliban sa pagiging tricycle ay ginawa din itong sari-sari store mobile ni Tatay Crisostomo matapos maglagay ng mga paninda sa loob ng kanyang tricycle.

Maliban pa dito ay mayroon din siyan inilagay sa likod ng kanyang tricycle na isang styrofoam kung saan dito naman nakalagay ang kanyang mga binebenta na malamig na inomin. Makikita sa larawan na may mga bentang softdrinks at mineral water si tatay at sa loob naman ng tricycle ay mga chichiria, tsokolate at ilang mga biscuit.

Nagiging maakit umano ito sa kanyang mga pasahero ayon kay Tatay Crisostomo dahil talagang napapabili ang kanyang mga pasahero dahil ang iba ay natatakam. Dagdag kita naman ito kay tatay lalo na ngayong tumataas ang gasolina, nagkakaroon siya ng extra income na naiuuwi niya sakanyang pamilya.

Talagang kahanga hanga si tatay at madiskarte sa buhay kaya naman marami ang humanga kay tatay Crisostomo at matapos ito ipost ni Abbiegail ay agad nagviral ito sa social media kung saan humakot ng mga papuri at paghanga sa matanda.

God Bless you tatay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *