Isa ang sa Japan sa mga pinaka progresibong bansa sa Asia na talagang pinapangarap na mapuntahan at mapasyalan ng mga ilang tao sa ibat-ibang panig ng mundo. Isa sa mga maipagmamalaki ng bansang Japan ay ang mga bahay dito mapa building, apartment, condominium o sariling bahay, lahat ng ito ay malinis at organisado sa loob.
Isang youtube channel naman ang nagfeature ng isang maliit na apartment sa Japan kung saan makikita na kahit sobrang liit nito ay napaka luxurious pa din tignan dahil sobrang linis at komportable tirhan. Ang youtube channel na ito na nagbahagi ng tiny apartment na ito ay ang Tokyo Lens.
Sa ginawa apartment tour ng youtube channel na ito, ipinakita nila kung ano nga ba ang itsura ng pinakamaliit na apartment sa Tokyo at kung panalo ba ito at sulit ang babayaran ng titira dito.
Pagpasok sa loob ay bubungad agad ang maliit pero napakalinis na espasyo at organisadong mga gamit, makikita sa may pinto ang mga cabinet kung saan pwedeng ilagay ang mga sapatos at tsinelas. May mga closet din dito na pwedeng paglagyan ng mga maduming damit. May espasyo din dito na pwedeng paglagyan ng washing machine.
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Makikita din ang isang induction heater at sink kung saan maaring magluto at maghugas ng mga pinagkainan.
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Nakakamangha din ang banyo ng apartment na ito dahil hiwalay ang shower area at ang washroom area na parehas na sobrang linis. Automatic na din ang toilet bowl nila dahil ito ay may mga remote operated narin para sa convenience ng gagamit.
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Nakakagulat din ang laki ng mainroom na halos isang Queen Size bed lang ang kasya, per kahit ganon lang ito kalaki, may loft area naman ito sa taas kung saan pwede dito matulog. Makikita ang isang hagdan paakyat sa loft area.
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Maliwanag naman ang kwarto dahil ito ay may napakalaking bintana na kapag binuksan mo ay may napakagandang view.
Photo credits: Tokyo Lens | Youtube
Makikita na bakante ang kwarto na ito kaya walang kagamitan kaya naman sinubukan ng Tokyo Lens na pasukin ang isa sa mga apartment room na may nakatira at sinilip kung ano ang itsura nito kapag may kagamitan. Isang Janapanese naman ang nagpaunlak na ipasilip ang kanyang kwarto na napaka organisado din at napaka linis.
Narito at panoorin,