Paano Nga Ba Nakapagpatayo ng Bahay ang Single Mom na Ito sa Halagang PhP700,000?

Alam ng lahat na hindi ganoon kadali ang pagpapatayo ng bahay. Importante rin na isaalang-alang ang pinansiyal na pangangailangan sa magiging proyektong ito. Kung ang ilan ay napipilitang umutang para dito, pinili pa rin ng single mom na si Wendee Arriesgado na magpatayo ng bahay nang hindi umuutang. Bagamat hindi madali ang desisyon na ito, nakatulong naman ang mahusay na pag-budget ng kanilang pera.

Photo credits: Wendee Arriesgado

Isa sa mga unang ginawa ni Wendee ay ang kanilang paglipat sa probinsya mula sa syudad upang umiwas sa malalaking gastusin. Bukod pa dito, tinuruan din niyang magtipid ang kaniyang tatlong anak,

“We have a system at home. The kids get Php20 per school day which they can save for buying personal things they need like craft materials or mobile game perks. The same goes for me — if I need something for myself, I work extra hours to ensure I don’t take it from the salary or savings.”

Photo credits: Wendee Arriesgado

Talaga namang katuwang niya ang kaniyang mga anak sa pagtitipid,

“You need to let them know where you stand, financially. Para alam nila how to help, alam nila where the boundaries are sa paggastos.”

Photo credits: Wendee Arriesgado

Photo credits: Wendee Arriesgado

Nakaplano rin ang budget para sa konstruksyon ng bahay. Ayon sa kaniya, tinitigil niya ang pagpapagawa kung wala na siyang pera para maiwasan ang pangungutang,

“Kung ano lang po ang makakaya ng budget ko for the period, ‘yun lang po ang pinapatrabaho ko. To some, it sounds impractical and magastos but for me na solo parent and full-time breadwinner, I can only do so much kaya I learned how to compartmentalize my budget.”

Importante rin daw na maging tapat sa mga suppliers ng kaniyang construction materials. Tinitiyak niyang nababayaran niya agad ang mga materyales na kaniyang binili.

Photo credits: Wendee Arriesgado

Photo credits: Wendee Arriesgado

Ngayong tapos na ang inaasam na bahay ni Wendee, hindi niya maiwasang matuwa. Talaga namang sulit ang lahat ng kaniyang pagsisikap at pagtitipid. Nagbigay naman siya ng payo para sa ilang nangangarap na magpatayo ng sariling tahanan,

“You have to really discipline yourself, and you have to make it happen, and you have to focus if you want to have that future, na wala kang babayaran, if you want that house built.”

Single mom, nakapagpatayo ng 2-story house gamit lang ang ipon at nang 'di nangungutang | SONA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *