Maninisid to Teacher, Proud Degree Holder na Ngayon ang Dalagang ito na Dating Naninisid lang sa Pier Upang Masuportahan ang Pag-aaral

Ibat-ibang tao, ibat-ibang hamon at pagsubok sa buhay, may masasaya, malungkot, nakakainspire at nakakaiyak, ilan lang ito sa mga kwentong madalas nating nakikita sa social media.

May mga kwento din na talagang hahanga ka dahil sa naabot nilang tagumpay dahil narin sa kanilang pagsusumikap sa buhay, katulad nalang ng isang half-badjao half-tagalog na dating maninisid ng barya sa pier na ngayon ay isa ng proud guro.

Photo credits: Arlene Eje Alex | Facebook

Kinilala ang guro na si Arlene Eje Alex, dating maninisid ng barya sa pier pero ngayon isa ng proud degree holder at maituturing ang sariling isang propesyonal.

Photo credits: Arlene Eje Alex | Facebook

Nagviral ang naging post ni Arlene matapos nitong ibahagi ang kanyang kwento ng buhay. Pagbabahagi ni Arlene walong taong gulang palang siya noon ng matuto siyang sumabak sa paninisid ng barya upang masuportahan ang kanyang sariling pag-aaral.

Hindi naging madali ang buhay kabataan ni Arlene noon lalo na sa murang edad ay napilitan siyang sumideline bilang maninisid sa pier sa kadahilanang nagkasakit ang kanyang ama at kailangan niyang kumayod para narin masuportahan ang sarili sa pag-aaral at makatulong narin sa kanyang amang may sakit.

Bata palang ay mulat na sa kahirapan si Arlene kaya ito ang kanyang pinaghugutan ng inspirasyon upang magpursige sa buhay, nag sipag ng husto si Arlene sa pag-aaral at talagang pinursige niyang makatapos. Sa awa ng diyos ay nairaos niya ang kanyang pag-aaral at ngayon ay isa ng ganap na Guro.

Photo credits: Arlene Eje Alex | Facebook

Pagbabahagi ni Arlene na hindi niya ikinahihiya at pinagsisihan ang kanyang naging trabaho dati na maging isang maninisid sa pier, dahil dito siya namulat sa hirap ng buhay at natutong kumayod para sa sariling pangarap.

“Hindi ko naman po pinagsisihan kasi natuto po ako sa buhay na hindi ganoon kadali ang kumayod sa araw-araw sa murang kaisipan. Kailangan mong mabuhay pero kailangan mong paghirapan.”  pagbabahagi ni Arlene.

Photo credits: Arlene Eje Alex | Facebook

Dagdag pa ni Arlene,

“Piliin mong magpatuloy kahit pakiramdam mo ay hindi mo kaya, makikita mo ang tamis ng paghihirap sa tamang kapanahunan.”

Naging inspirasyon sa social media ang post na ito ni Arlene kung saan madami ang kanyang nahikayat na hindi hadlang ang hirap ng buhay para maabot ang kanilang mga pangarap. Isa si Arlene sa mga patunay na walang imposible basta may tiyaga at paniniwala.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *