Isang Senior High School Student, Literal na Humakot ng Awards Matapos Grumaduate Bilang Valedictorian, Tumanggap ng 60 Certificates, 24 Medals at 30 Ribbons

Ang pag-aaral at edukasyon ang pinakamahalagang bagay na maibibigay saatin ng ating mga magulang, ito ang magiging susi para sa isang maganda at matagumpay na kinabukasan.

May ilang mga estudyante na hindi binibigyan ng pagpapahalaga ang kanilang pag-aaral pero marami din ang nag pupursige ng husto upang makamtan ang inaasam na magandang kinabukasan.

Katulad nalang ng isang High School students na ito na nagviral sa social media matapos literal na seneryoso ang pag-aaral.

Photo credits: Meckia Mari Villanueva | Facebook

Humakot lang naman ng 60 certificates, 24 na medalya, at 30 ribbons ang estudyanteng si Meckia Mari L. Villanueva, 18 taon gulang na nagaaral sa Sto. Nino Academy sa Bocaue, Bulacan.

Photo credits: Meckia Mari Villanueva | Facebook

Photo credits: Meckia Mari Villanueva | Facebook

Sa ginawang commencement excercise ng eskwelahan nitong nakaraang mayo, literal na pinakyaw ni Meckia ang mga medalya at awards.

Sa naging panayam sakanya ng sikat na blogsite na pep.ph bata palang ay achiever na talaga si Meckia kung saan talagang nahilig na siya sa pag-aaral.

Simula nag-aral daw siya ay laging first honor ang kanyang nakukuha, at talagang nagpupursige talaga siya na maging top sa kanyang klase upang makakuha siya ng scholarship para matulungan ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Ayon kay Meckia ang ina niya ay isang lisensyadong Pharmacist na tumigil upang maging isang full housewife, samantala ang kanyang ama naman ay isang card dealer sa isang caasino.

Photo credits: Meckia Mari Villanueva | Facebook

Nang tanongin naman si Meckia kung bakit ganoon kadami ang kanyang awards ang sagot niya ay best in most subject daw siya kung saan siya ang nakakuha ng pinakamatataas ng grado sa lahat ng kanilang subjects.

Nasungkit din ni Meckia ang best in virtual performance, Best research papers and business plans, best presenter pag dating sa thesis defense.

Photo credits: Meckia Mari Villanueva | Facebook

Nakakuha din siya ng awards galing sa kanyang mga extracurricular activities katulad nalang ng pagiging student council president niya.

Photo credits: Meckia Mari Villanueva | Facebook

Ayon kay Meckia na time management talaga ang naging susi sakanyang tagumpay na ito dahil talagang minamanage niya ng husto ang kanyang oras at inilalaan niya ang mga ito kada subject. Gumigising din ang dalagita ng madaling araw para simulan ang kanyang pag-aaral.

Sa ngayon ready narin si Meckia sa susunod na yugto ng kanyang pag-aaral at ito ay ang kanyang pagpasok sa kolehiyo kung saan naka enrolled na siya sa University of Santo Tomas at kukuha ng kursong B.S. Biology Major in Medical Biology.”

Nakuha niya din ang kursong ito with full scholarship sa UST at qualified din umano sa DOST scholar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *