Isang Senior High School Graduate, Nakatanggap ng Alok na Scholarship Mula sa Pitong Unibersidad sa Ibang Bansa

Isang malaking oportunidad para sa mga kabataan, lalong-lalo na sa mga kapus-palad na estudyante ang makatanggap ng scholarship para sa kanilang pag-aaral.
Mapalad nga ang senior high school graduating student na si Benjamin Arches Baui nang makatanggap siya ng alok na scholarship mula sa pitong unibersidad sa ibang bansa. Isa nga rito ay ang Arizona State University na nag-alok ng $40,000 (PhP2 million) na scholarship.

Photo credits| FB Page

Magbibigay naman ng $100,000 (PhP5 million) na scholarship ang Xavier University. Nag-alok din ng $30,000 (PhP1.5 million) na scholarship grant ang University of Arizona. Nakapasa rin si Benjamin sa Jacob University sa Germany kung saan maaari siyang makatanggap ng 6,000 euros (PhP300,000) taun-taon.

Photo credits| FB Page

Dagdag pa sa mga eskwelahan na ito, nakapasa rin si Benjamin sa Merrimack College habang mayroon naman siyang conditional admission sa Syracuse University. Natanggap rin si Benjamin sa iba’t ibang lokal na unibersidad gaya ng University of Santo Tomas, Far Eastern University, Enderun Colleges, De La Salle University-Dasmariñas, at University of Saint Louis-Tuguegarao.

Photo credits| FB Page

Mula sa mga unibersidad na ito, pinili umano ni Benjamin ang Xavier University. Ayon sa kaniya, “Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PhP1.5 million per year, into five years of my course.” Talaga namang hindi na pinalampas ni Benjamin ang pagkakataon na ito dahil isa itong malaking tulong para sa kanilang pamilya na nalugi ang negosyo noong nagsimula ang pandemya.

Photo credits| FB Page

Plano naman ni Benjamin na kumuha ng kursong Bachelor of Science in Architecture. Dagdag pa niya, talagang masayang-masaya siya at ngayon ay makakapag-aral na siya sa kaniyang dream school

, “Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining.” Ayon pa kay Benjamin, matagal na rin niya itong pangarap kaya naman pagpapahayag niya, “It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it.” Pangarap din ito ng kaniyang mga magulang noon kaya naman talagang suportado nila si Benjamin, “It’s like achieving my parents dream as likewise as mine.”

Photo credits| FB Page

Totoong kakaunting mga estudyante lamang ang mapalad na nagkakaroon ng ganitong oportunidad. Gayunpaman, bagamat hindi naging madali ang pagkamit ni Benjamin ng pangarap na ito, walang duda na talagang kahanga-hanga ang kaniyang nakamit na tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *