Isang Residente sa Siargao Naging Inspirasyon Matapos Ipasilip ang Kanyang Tiny House na may Milk Tea Business

Sa isla ng siargao matatagpuan ang isang maliit na bahay na naipatayo ng isang residente dito sa halagang Php315,000. Sa youtube channel ng isang foreigner na pinangalanang TheTravelingClatt, ifeneature nito ang isang tiny house na ayon sakanya ay naging inspirasyon niya para ipatayo ang kanyang pangarap na bahay sa siargao.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Matatagpuan ang tiny house na ito sa Barangay Osmeña, Municipality of Dapa na pagmamay-ari ng residente sa siargao na si Rodol Noguerraza. Pagbabahagi ng vlogger na si Tal na binabaybay niya ang kahabaan ng kalsada ng Barangay Osmeña ng nakuha ang atensyon niya ng maliit na bahay na ito sa tabi ng kalsada.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Sa ginawang ekslusibong interview sa house owner na si Rodol, ibinahagi nito na isa ito sa kanyang mga pangarap lang dati na kanyang naisakatuparan, ang magkaroon ng isang maliit na bahay at negosyo.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Makikita ang negosyo ni Rodol na milk tea business pagpasok palang sa balcony ng kanyang tiny house kung saan may malawak itong area sa harap ng bahay na pwedeng tambayan ng kanyang mga costumer.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Pagpasok naman sa loob ng kanyang bahay makikita ang maliit pero maaliwalas na kanyang sala kung saan may maliit na couch at sa likod nito ay may malaking bintana na nagbibigay ng natural na ilaw sa loob ng kanyang bahay kapag umaga.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Mapapansin din ang kanyang maliit na kusina kung saan nagagamit niya ito hindi lang sa kanyang personal kundi sa kanyang milktea business din.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Sa harap naman ng kanyang kusina ay nakalagay ang kanyang mga milktea equipment at ingredients kung saan dito niya ginagawa ang kanyang mga produkto.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Mapapansin din ang simple nitong hagdan na talagang na maximize niya ang space matapos niya itong lagyan ng mga cabinets.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Ipinasilip niya din ang kanyang banyo na hindi man kalakihan ngunit komportable naman siyang nakakagalaw dito ayon sakanya.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Pag-akyat naman sa taas ay makikita ang kanyang kama kung saan kasya ang dalawang tao, mayroon din siya ditong maliit na aircon na kayang palamigin ang kanyang buong kwarto pati narin ang baba kung gugustuhin niya.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Pagbabahagi ni Rodol na halos lahat ng ginamit na materyales sa kanyang bahay ay mga light materials, kagaya ng coco lumber, plywood, nipa, yero.

Photo credits: TheTravelingClatt | Youtube

Pagbabahagi ni Rodol na gumastos siya sa mga materyales ng Php250,000 at Php65,000 naman sa labor. Ipinamana umano sakanya ang lupang ito ng kanyang yumaong ina, at ang lupang ito ay maykabuoang sukat na 100 sqm samantalang ang kanyang tiny house ay may sukat na 15 sqm.

Talagang madami ang nabilib ang nainspire sa bahay na ito ni Rodol na kahit mismo si ang vlogger na si Tal ay nainspired dito at balak niya itong gayahin sa kanyang ipinapagawang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *