Isang Pamilyang Aeta, Mangiyak-ngiyak ng Pagawan ng Maliit pero Napakagandang Bahay ng Isang Grupo sa Ontario Canada

Ang tribu Manide o maskilalang tribung Aeta ay madalas natatagpuan sa mga kabundukan at doon naninirahan, payak lang ang kanilang pamumuhay at nakasalalay ang kanilang pang-araw araw sa ibibigay ng kalikasan. Sila ay itinuturing na larawan ng karalitaan o di naman ay napagiiwanan dahil sa kanilang simpleng pamumuhay sa kabundukan.

Madalas silang kinakaawaan, pero para sakanila ang mundong kanilang ginagalawan ay sapat na para sila ay mamuhay ng kuntento at masaya. Marahil ilan saatin ay nakakakain ng mahigit tatlong beses sa isang araw, pero sa mga Aeta ang makakain ng dalawang beses sa isang araw ay biyaya na. Minsan pa nga ay walang makain at talaga naman nakakaawa lalo na ang mga bata.

Pero sila ay hindi mapili at ang kanilang kinakain ay kung ano lang ang maibigay ng kagubatan sakanila kagaya ng mga hayop, insekto, halaman at kung ano pang pwede basta mairaos lang ang kalam ng sikmura.

Isang pamilya ng katutubong Aeta ang niregalohan ng bagong bahay sa tulong ng mga kababayan din natin sa ibat-ibang panig ng mundo, kagaya nalang ng Cor. 13 Crew of Ontario Canada, na nagsponsore ng tulong para mapatayuan ng bahay ang pamilyang ito.

Sa Youtube Channel ng wild life pH. Ibinahagi nila ang kanilang naging dokumentaryo kung paano sila nakarating sa lugar ng pamilyang ito at kung paano nila pinaabot ang tulong na nararapat para sakanila. Si kuya Raul na itinuturing na haligi ng tahanan ng pamilyang aeta na ito ang maswerteng napili ng grupo na bigyan ng bagong bahay dahil sila diumano ang pamilyang pinaka palangiti.

Sa video na ito, ipinakita ng grupo kung paano nila ginawa ang bahay ng pamilya gamit ang dala dala nilang mga kagamitan pang konstruksyon.

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Hindi din madali para sa grupo ang naging pagpapatayo nila sa bahay ni kuya Raul, dahil masyado itong malayo sa kapatagan at masyadong masukal ang daan, kaya naman tiyanaga nilang dalhin dito ang mga materyales na kinakailangan para sa pagpaptayo ng kanilang pinapangarap na bahay para sa pamilyang Aeta na ito.

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Nang matapos ang pagawa nila ng bahay ay ipinasilip ng grupo ang naging itsura nito sa labas at loob. Sa labas makikita ang simple pero napakagandang disenyo ng maliit na bahay na ito kung saan gawa sa mga light materials. Sa loob naman makikita ang double deck na kasyang kasya si Kuya Raul, asawa niya ay dalawa pa nitong anak.

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Ipinag grocery din ng grupo ang pamilya ni Kuya Raul dahil ayon sa mga ito ay may natira pa sa pondo na ibinigay sakanila na nakalaan para sa pagpapatayo ng bahay.

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Upang surpresahin sina Kuya Raul, tinakpan muna ng trapal ng grupo ang bahay at sinundo ang pamilya ni Kuya Raul sa dati nitong tinitirhan isang maliit na barung barung na gawa lamang sa mga kawayan at nipa na walang pader.

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Nang makita ni Kuya Raul ang kanilang bagong titirhan na bahay ay hindi naman mapigilan nitong maiyak dahil sa tuwa, sobra sobra ang pagpapasalamat nito sa mga tao sa likod ng biyayang ito sakanila.

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Photo credits: wild life pH. | Youtube Channel

Ngayon ay makakatulog na sila ng maayos lalo na kapag umuulan ay may masisilungan na sila ng hindi sila nababasa.

HOUSE GIFT, ang pag buhos ng emosiyon ng pamilyang aeta

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *