Kinahihiligan ng mga tao ngayon ang mas simpleng pamumuhay. Mas pinipili rin ngayon ang organic na mga pagkain. Sa The Understory, maaaring pansamantalang maranasan ng mga tao ang simpleng pamumuhay sa isang bahay kubo.
May sukat na 430 sqm. ang lupang kinatatayuan ng bahay kubo na ito samantalang ang two-storey bahay kubo naman ay may sukat na 4×5 meters. Ayon sa may-ari nito na si Glenn Mariano, ang buong bahay ay gawa sa kahoy habang ang ibang materyales naman ay recycled.
Photo credits: OG | Youtube
Mula rin sa DIY projects ang ibang elemento ng bahay katulad ng mga kakaibang ilaw. Mapapansin rin ang iba’t ibang dekorasyon na nakolekta ng mga may-ari noong itinatayo pa lamang nila ang kubo.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Translucent roofing naman ang ginamit ng mga may-ari para sa ilang parte ng kubo upang pumasok ang natural light tuwing umaga.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Sa ikalawang palapag naman makikita ang bedroom kung saan maaaring makapagpahinga ang apat na tao.
Photo credits: OG | Youtube
Sa ngayon ay mayroon ding ipinapagawang pangalawang kubo kung saan maaaring mag-ehersisyo ang sinumang bibisita rito. Dito rin maaaring mamalagi ang kanilang mga bisita.
Photo credits: OG | Youtube
Pagbabahagi pa ni Glenn, taong 2019 pa nang itayo ang bahay kubo na ito at naglabas sila ng halos PhP65,000 para sa konstruksyon nito. Mula noon ay talagang nagustuhan na ng mga may-ari na mamalagi dito dahil sa simple, tahimik, at stress-free na pamumuhay.
Photo credits: OG | Youtube
Talaga namang napakapresko dito dahil napapalibutan ang property ng iba’t ibang uri ng halaman na ayon kay Glenn ay nakolekta nila noong panahon ng pandemya. Isa rin sa mga nagustuhan nila rito ay ang fresh at organic na mga pagkain at iba pang pananim.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Bukod sa nakakatipid ang pamilya ni Glenn sa mga gulay na kanilang inaani, mas nagiging malusog din ang kanilang pangangatawan. Dagdag pa sa kanilang maliit na vegetable garden ay ang fish pond gayundin ang isang maliit na lugar kung saan nakakapagpahinga ang pamilya mula sa maingay at magulong buhay sa syudad.
Photo credits: OG | Youtube
Napakarami ding espasyo kung saan maaaring magsalu-salo at magbonding ang kanilang pamilya. Sa ngayon ay isa rin itong working space ng mga may-ari.
Photo credits: OG | Youtube
Payo ni Glenn sa mga nais magkaroon ng parehong property, mainam na magsimula nang maaga. Maganda rin na kumuha ng iba’t ibang ideya upang mas maging maganda at matagumpay ang resulta ng kanilang nais ipatayo.