Dahil sa pandemya, madami ang umuwi sa kanikanilang mga probinsya, ang iba pa nga ay bumili ng lupa sa probinsya upang dito na magpatayo ng kanilang bahay at dito narin manirahan may iba naman na ginagawang negosyo at pinapaupahan sa mga gustong magbakasyon. Naging trend din talaga ngayon sa social media ang farm life kung saan madami tayong mapapanood na mga farm house, tiny house, bahay kubo tour na talagang kahanga hanga.
Isa na dito si Shari Adalia, kung saan ibinahagi niya sa Only Good Content (OG) ang kanilang 3-storey Korean Inspired Farmhouse na matatagpuan sa gitna ng palayan sa Pampanga. Sa ginawang eksklusibong tour ng OG sa kanilang farm, ipinasyal ni shari at ipinakita ang kanilang mga naipatayo dito.
Photo credits: OG | Youtube
Kwento ni Shari, nabili nila ang lupa na ito noong 2018 na may lot size na 2000 sqm at sa presyong Php2 milyong piso. Nagsimula silang magpatayo dito noong 2019 ngunit hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo dahil narin sa mahigpit na protocol dahil sa pandemya. Umabot ng 5 milyong piso ang nagastos nila sa construction ng kanilang Korean Inspire Farmhouse dito dahil ayon kay Shari lumaki ang kanilang gastos dahil kapag may hindi nagustuhan ang kanyang kapatid ay pinapapalitan niya ito.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Maliban sa kanilang Farm house, may bahay kubo din ang pamilya nila Shari dito kung saan dito nakatira ang kanyang ama. Kahit na may modern house umano sila, mas gusto tumira ng kanyang ama sa maliit na bahay kubo na ito kung saan kumpleto naman ng mga kagamitan para sa kanyang pangangailangan kagaya ng kusina, banyo, kama, mga appliances gaya ng telebisyon at napapalibutan din ng mga halaman na paborito ng kanyang ama. Nabili umano nila shari ang bahay kubo na ito ng kanilang ama sa halagang Php64,000.
Photo credits: OG | Youtube
Sa gilid naman ng bahay kubo ng kanyang ama ay may duyan kung saan pwedeng tumambay at magrelax, matulog kapag tanghali. Maliban sa bahay kubo ng kanilang ama ay may nabili din sila Shari na isang tiny kubo sa halagang Php 15,000 kung saan dito sila madalas tumatambay, kumakain.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Ayon kay Shari, na ang kanyang ama talaga ay isang mag-sasaka at ito talaga ang hilig nito, kaya naman nagustohan na din nila dito. Naglaan din sila ng lupa para sakanilang ama na pwede nitong pagtaniman. Sa bandang likod ng kanilang farm makikita ang lupa na nilaan nila sakanilang ama kung saan dito ito minsan nagtatanim ng palay minsan naman mais.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Kwento pa ni Shari na madalas andito ang kanilang pamilya para mag bonding at dahil malaki silang pamilya gusto talaga nila malaki ang kanilang area lalo na ang parking dahil halos lahat umano sila ay may sariling sasakyan.
Photo credits: OG | Youtube
Matapos ang pasilip sa bahay kubo ng kanyang ama, ay sumunod naman na ipinakita ni Shari ay ang kanilang modern 3 storey house. Ang first floor umano nito ay originally function hall kung saan dito nila ginaganap ang mga importanteng okasyon, ngunit sa ngayon ay ginawa muna nila itong private stock room.
Photo credits: OG | Youtube
Sa pangalawang palapag naman makikita ang kanilang napakalawak na Main Bedroom kung saan may maliit silang living room dito kung saan sila nagrerelax at nanood ng telebisyon. Makikita din ang maliit na kusina sa loob ng kanilang kwarto at coffee table. May mga appliances din sila dito kagaya ng refrigirator, water dispenser.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Napakaaliwalas naman ng kanilang kwarto na ito dahil napapalibutan ito ng malalaking bintana na nagbibigay ng natural na ilaw sa kanilang kwarto. Napakalawak din at comportable ng kanilang banyo kung saan may napakagandang disenyo.
Photo credits: OG | Youtube
Paglabas naman sa balkonahe ng kanilang main bedroom ay bubungad ang kanilang napakagandang infinity pool na ang direct access ay sa kanilang main bedroom.
Photo credits: OG | Youtube
Pagbabahagi naman ni Shari na inabot ng 5 buwan ang kanilang pagpapagawa dito sa kanilang pool dahil may mga pinalitan ang kanyang kapatid dito.
Sa third floor naman makikita ang kanilang rooftop, kung saan dito sila madalas mag stargazing at naglalagay ng tent kapag gusto nila na matulog sa taas at mala camping trip ang vibes. Dito din sa rooftop masisilayan ang napakagandang 360 view ng kapaligiran, at talagang mafefeel dito ang sariwa at malamig na simoy ng hangin lalo na kapag gabi. Dito din nila minsan ginaganap ang ilan sa mga importanteng okasyon sa kanilang pamilya gaya ng mga birthday celebration.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Mapapansin din dito ang isang modern cavana na ayon kay shari dito nag-iistay ang kanyang kapatid lalo na kapag gusto nito ng privacy at kapag nagtratrabaho ito.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Nagbigay naman ng adviced si Shari sa mga kagaya nilang nagpapagawa ng kanilang farm house na ayon dito ay kailangan talaga ay may solid na plano, para hindi magpaulit ulit, dahil naging lesson learned na sakanila ito na napalaki ang kanilang gastos matapos paulit ulit na pinalitan ang ibang materyales na nakakabit na. Mas maganda din na huwag tipirin ang construction ng kanilang bahay at mas maganda na komonsulta parin sa mga eksperto gaya ng arkitekto at engineer.