Isang OFW sa Dubai, Biniyayaan ng Limpak-limpak na Salapi ng Kaniyang Amo na Isang Sikat na Youtuber

Talagang hindi matatawaran ang kalidad ng serbisyong ibinibigay ng mga Pilipino anumang trabaho ang ibigay sa kanila. Isang motibasyon dito ay ang kanilang pangarap na maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Dahil dito, talagang humahanga ang mga banyaga sa dedikasyon at sipag na ipinapakita ng mga OFW sa kanilang mga trabaho.

Gaya nga ng ilang OFW, hinangaan at minahal rin ang isang OFW na nagngangalang Avelina. Nagtatrabaho ang 50 taong gulang na si Nanay Avelina sa Dubai kung saan isa siyang domestic helper ng isa sa pinakasikat na YouTube vlogger na si Alex Hirschi o mas kilala bilang Supercar Blondie.

Photo credits: Supercar Blondie | Youtube

Photo credits: Supercar Blondie | Youtube

Dahil sa kasipagan at kagandahan ng loob ni Nanay Avelina, hindi na nakapagtataka na humanga sa kaniya ang boss. Dahil dito, nagdesisyon ang vlogger na magkaroon ng isang sorpresa para sa kaniya.

Photo credits: Supercar Blondie | Youtube

Sa isang YouTube vlog na inilabas ni Supercar Blondie, ibinahagi niya ang isang napakalaking sorpresa para kay Nanay Avelina na siguradong ikinatuwa niya. Noong una ay aakalaing isang simpleng interview lamang ang ginagawa ni Nanay Avelina. Laking gulat naman niya nang biglang dumating ang kaniyang amo na may dalang isang bouquet ng bulaklak.

Photo credits: Supercar Blondie | Youtube

Bitbit din nito ang isang box na naglalaman ng limpak-limpak na salapi. Ayon sa vlogger, ibinigay niya ang napakalaking halaga na ito bilang college fund ng mga anak ni Nanay Avelina. Ito ay bilang kabayaran sa lahat ng tulong na naibigay niya.

Photo credits: Supercar Blondie | Youtube

Ayon sa vlogger, walang duda na talagang nararapat lamang na makatanggap si Nanay Avelina ng ganitong klaseng sorpresa dahil sa malaking tulong at serbisyong naibibigay niya. Dagdag pa ng sikat na vlogger, si Nanay Avelina ang kaniyang tanging naaasahan sa mga gawaing bahay at maging sa pag-aasikaso ng kaniyang personal na pangangailangan. Kung minsan ay masigasig din siyang tumutulong upang maibigay ang pangangailangan ng Supercar Blondie team. Ayon pa sa kaniya,

“We appreciate so much that you’ve had to leave your family behind and work with us in order to earn money and take it back to your family so we just wanted to help you out a little bit.”

Talaga namang nakakaantig ang ginawang sorpresa na ito ng vlogger. Masasabing mapalad si Nanay Avelina na nagkaroon siya ng napakabuting boss.

Surprising my employee with a lifetime savings of cash!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *