Ang mga nagkalat na basura sa ating kapaligiran ay maaari pa nating mapakinabangan sa pamamagitan ng pag-rerecycle. Katulad na lamang ng boteng plastic na marami ang maaaring gawin. Pwedeng maging dekorasyon, lagayan, at marami pang iba.
Ngunit, sino ang mag-aakala na may mas malaki pa palang pakinabang ang mga plastic bottles?
Ang kakaibang ginawa ng isang lalaki gamit ang mga plastic bottles ay nagpabilib sa marami. Si Richart Sowa, 61 taong gulang, isang environmentalist at architect, ay nakapag-isip na gumawa ng sarili niyang artificial floating island na gawa sa mahigit 150,000 piraso ng plastic bottles. Dito rin niya itinayo ang kanyang bahay, at magmula noong 2008, ay dito na siya nanirahan.
Nagsimulang gawin ni Richart ang paggawa sa isla noong 2005, ngunit hindi siya nagtagumpay. Ito ay nasira ng mapaminsalang panahon kasama ang isang maliit na isla na kanya ring ginawa na tinawag niyang Spiral Island.
Bagama’t, hindi nagtagumpay ang una at pangalawang subok ni Richart, ay hindi siya sumukong sumubok ulit. At sa pangatlong pgkakataon, ay gumawa siya sa isang lagoon. Sa tulong ng karpintero, ay nakabuo si Richart ng matibay na pundasyon, na may habang 25-meter na kayang makipagsabayan at hindi agad magigiba ng anumang bagyo.
Mas pinatibay rin ito ng frame na gawa sa kawayan kung saan ay nilagyan nila ng kahoy at buhangin. Kinabitan naman ito ng sangkatukak na plastic bottles na magbibigay ng suporta sa itatayong bahay, at anumang bagay na ilalagay rito.
Matapos nga ang pitong taon, ang pangarap niyang floating island na magsisilbi niyang paraiso ay kanya niyang naisakatuparan. Ang napakagandang isla ay tinawag niyang Joyxee Island. Ang kanyang bahay na itinayo sa isla ay may tatlong palapag na gawa naman sa mga shells.
Tila naman nasa isang napakalaking bahay komportableng naninirahan si Richart. Dahil, ito ay may 2 bedrooms, kitchen, 3 showers, at isang wave-powered washing machine. May 100-ft cable ring konektado sa isla na magbibigay naman ng kuryente, tubig at internet access.
Kahanga-hanga rin dahil may filtered pool ito kung saan ginagamit niya sa pagligo. May hiwalay ring pool na nagsisilbi namang hot tub. Makikita na rin sa isla ang lahat ng bagay na kinakailangan ng isang tao upang mabuhay. May iba’t ibang klase rin ng halamang nakatanim sa isla, mula sa mga namumungang puno hanggang sa maliliit na halaman. At nais nga ni Richart mapunan niya ang sarili niyang pangangailangan gamit ang sarili niyang kakayahan.
“My plan is to become self-sufficient. I am a vegetarian, and have many plants growing on the Island which I eat, but for more variety I go by bicycle to the nearby local shop.”
“I have a ferry I also made from plastic bottles, which can carry up to eight people to and from the shore.”
Ayon naman sa Sobify, isang Mexican authorities ay itinuturing na man-made island ang gawa ni Richart bilang “eco-boat”. Kaya naman, kinakailangan niyang sumunod sa patakaran ng boating rules. Kung kaya’t may mga emergency equipments ring makikita sa Joyxee Island tulad ng fire extinguishers, ring buoys, at emergency kits.
Samantala, noong 2014 naman ay nakilala ni Richart sa Facebook ang isang dating Japanese supermodel na si Jodi Bowlin, 42 taong gulang.
At ang buhay na mayroon si Richart, ay buong puso nitong tinanggap. Ngayon nga, ay masaya silang nagsasama sa isla. Nakatulong rin si Jodi upang mas lalo pang mapaganda ang isla kung saan ay nilagyan ng “woman’s touch”.