Isang Ina, Ibinahagi ang Kanyang Alternatibong Paraan Kung Paano nga ba siya Nakatipid ng Php 112,000 sa Pag-gamit ng Cloth Diaper

Hindi basta basta at biro ang magkaroon ng baby, dahil ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito ay dapat isaalang-alang ng mga magulang. Katulad nalang ng Gatas at Diaper na primerong pangangailangan ng mga ito ay nagtataasan na ang presyo, kaya naman maraming magulang ang gumagawa ng paraan upang makatipid.

Isang ina ang nagbahagi ng kanyang naging diskarte kung paano siya nakatipid sa diaper ng kanyang anak. Ayon sa inang si Marian Candace T. Jinahon, ibinahagi niya ang alternatibong paraan na kanyang ginamit sa kanyang anak upang makatipid ng halos Php112,000 sa diaper ng kanyang anak.

Pagbabahagi ni Mommy Marian na taong 2018 ng magkaroon siya ng ideya sa cloth diaper na kanyang ginagamit na ngayon sa kanyang anak, ayon kay mommy Marian na ang cloth diaper na kanyang ginamit ay tila isang lampin na ang tabas ay Velcro-type hook and loop fastener.

Naging interesado umano dito si Mommy Marian noong una kaya naman kumalap siya ng kaalaman patungkol dito at naghanap ng mga pwedeng mapagbilhan, hanggang napadpad siya sa isang Facebook Page na may pangalang Cloth Diaper Advocates Philippines (CDAPH) kung saan dito siya nagkaroon ng sapat na ideya at dito narin siya nakabili ng mga preloved cloth diaper para sakanyang anak.

Photo credits: Marian Candace Tan-Jinahon | Facebook

Maslalong nahikayat si Mommy Marian ng makita niya na napakaraming basura lagi sakanilang bahay kapag disposable ang kanyang ginagamit at nangangamoy din ito, kaya naman mas lalong pinursige ni Mommy Marian na i-diaper clothing nalang ang kanyang anak.

Photo credits: Marian Candace Tan-Jinahon | Facebook

Pagbabahagi ni Mommy Marian na aabot na sa 93 cloth diaper ang kanyang nabibili para sa kanyang mga anak, at ngayong 5 years old na ang kanyang panganay ay nagagamit parin umano niya ang mga cloth diaper sakanyang pangalawang anak.

Photo credits: Marian Candace Tan-Jinahon | Facebook

Pagbabahagi pa ni Mommy Marian na kinompute nila ang kanilang nagastos sa cloth diaper at kung ilang ang kanilang magagastos kapag sila ay nanatili sa disposable, kaya naman sa estimate ni Mommy Marian sa loob ng dalawang taon ay gumastos lamang sila ng Php 33,000 sa 350 sets ng cloth diapers kumpara sa mahigit kumulang Php145,000 na magagastos kapag sila ay nanatili sa disposable diapers sa tatlong taon.

Photo credits: Marian Candace Tan-Jinahon | Facebook

Umabot sa Php112,000 ang natipid umano nila sa diapers at ang isa pa sa pinakamahalagang nagawa nila ay nakatulong pa sila sa kalikasan dahil halos nasa 14,520 pirasong diaper ang kanilang naiwasan na itapon sa basurahan.

Isa pa sa payo ni Mommy Marian na maganda ang cloth diaper sa bata dahil makakaiwas ang inyong anak sa mga allergies at rashes, kaya naman hinihikayat ni Mommy Marian ang mga mommies na mag cloth diaper nalang dahil sa marami itong benepisyo sa mga bata at lalo na sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *