Dating Tindero ng Suka, Ngayon ay Isa Nang Milyonaryong Engineer at Negosyanteng Nagmamay-ari ng Mansyon at Nagagandahang mga Sasakyan

Hinahangaan ngayon ang nakakaantig na kwento ng dating tindero ng suka at ngayon ay isa nang matagumpay na engineer at negosyante na si Rudy Sicat. Ayon sa kaniyang anak na si Marc Randall Sicat, lumaki sa isang mahirap na pamilya ang kaniyang tatay kaya naman napilitan siya na magtrabaho sa murang edad pa lamang.

Natustusan niya ang kaniyang pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo sa tulong ng pagbebenta ng suka. Pitong taon din ang ginugol ni Rudy sa kolehiyo dahil sa kakapusan ng pera. Dahil sa sitwasyon na ito, ilang beses din umanong napanghinaan ng loob si Rudy at inisip niya na tumigil na lamang.

Sa kabutihang palad, hindi siya nagpatalo sa hamon ng buhay at nagsumikap lamang ito sa kaniyang pagtitinda at pag-aaral.
Sa awa ng Diyos, nagbunga rin ang paghihirap ni Rudy nang makapagtapos siya sa kursong Civil Engineering.

Photo credits: marc sikat | Facebook

Nakapasa rin siya agad sa licensure examination at naging isang ganap na engineer. Matapos ang dalawang taon, nagtayo rin ito ng sariling construction company. Gaya ng karamihang mga negosyo, matumal ang mga nagiging kliyente ni Rudy ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti na siyang nakilala at sa ngayon nga ay hindi na mabilang ang kaniyang mga naging proyekto.

Photo credits: marc sikat | Facebook

Nakapagpatayo sila ng iba’t ibang establisyimento para sa mga kompanya at restaurant. Bukod dito, naitayo rin niya ang mga naglalakihang mga mansyon ng mga sikat na personalidad.

Photo credits: marc sikat | Facebook

Dahil sa sunod-sunod na tagumpay na ito ni Rudy, talagang malayong-malayo na ang kaniyang narating sa buhay. Kung noon ay malapit sa isang creek ang kanilang tahanan, ngayon ay mayroon na silang isang magarang mansyon.

Photo credits: marc sikat | Facebook

Kung noon din ay naglilibot lamang siya sa mga kalye habang tulak-tulak ang kariton upang maglako ng suka, ngayon ay nagmamay-ari na siya ng mga sasakyan at nakakapagtravel sa iba’t ibang bansa.

Photo credits: marc sikat | Facebook

Photo credits: marc sikat | Facebook

Dahil rin sa kwentong ito ng kanilang tatay, natutunan ni Marc at ng kaniyang mga kapatid ang kahalagahan ng pagtitiyaga,

“Natuto ako maging matiyaga, masipag, at madiskarte sa buhay dahil sa Papa ko. Some words of wisdom he shared with me and my brothers are, ‘don’t let your bad habits ruin your life. Don’t just let things happen, make it happen.”

Narito at basahin ang buong post ni Marc sa kanyang social media account,

Hi Home Buddies!

Gusto ko lang sana i-share ang success story ng dad ko since Birthday niya ngayon.

From selling vinegar to construction high rise buildings

From travelling the streets to Pampanga to travelling around the world

From nothing to something

From a house above the creek to a home of worthy of filming

From pushing a kariton to driving a car

Sana po basahin niyo kahit mahaba. Maiinspire po kayo ng sobra! Sa sobrang amazing pwedeng pwede sa MMK at KMJS.

Story:

Ang aking papa ay pinanganak sa isang MAHIRAP na pamilya sa isang barrio sa Pampanga. Pang-apat siya sa kanilang walong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Subalit hindi naging hadlang  ito para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang siya ay natuto na siya kung paano magnegosyo at magtinda. Ang pinaka naging negosyo niya habang siya ay nasa elementarya pa lamang hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay ang pagtitinda ng SUKA.

Ipinagsabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon galon na Suka ang kanyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito. Ang nalilikom niyang pera ay kanyang pinang-papaaral sa kanyang sarili at binibigay niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Noong kolehiyo siya ay nag-enroll ng Civil Engineering sa Holy Angel University. 7 years niya ito tinapos dahil nga siya ay nagtitinda ng suka. Noon mga panahong ito siya rin ay nagdududa kung ipagpapatuloy niya pa ang pag-aaral sapagkat sa kanyang isip ay mas malaki pa ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng suka. Pero mas pinili niyang ipag-patuloy ang pag-aaral dahil mas nais niyang mas maging matagumpay. Pagkagraduate niya siya ay nagtake ng Board Exam at kanya itong napasa. Isa siya sa mga naunang LICENSED Civil Engineer sa kanilang barrio.

After 2 years niyang mamasukan bilang isang Engineer siya agad ay nagtayo ng kanyang sariling CONSTRUCTION COMPANY. Sa loob ng 2 years bago niya itayo ang kanyang kumpanya siya ay pumunta sa Manila at siya ay nalayo sa kanyang pamilya. Hindi naging madali ito sapagkat minamaliit siya dahil siya ay graduate ng probinsya at syempre malayo nga sa pamilya. Ngunit dahil sabak na siya sa HIRAP ng buhay bata palang kaya na kaya niyang gawin ito kahit na wala siyang puhunan at mga gamit. Maraming nagtiwala sa kanyang mga clients at lalampas na ng 1000 projects ang kanyang natapos sa araw na ito. May mga buildings, bahay ng artista, mga malls mga sikat na restaurant gaya ng Tokyo tokyo at Burger King, mga sikat na hospital at eskwelahan at marami pang iba. 

Noong bago palang sila mag-asawa ni mama nakita ko ang mga pictures namin dati . Nangungupahan lang sila dati. Tapos lumipat sila ng bahay at iyong bahay na yun ay itinayo sa ibabaw ng sapa o creek. Kung-makikita niyo wala man lang pintura yung pader na pinost ko sa mga pictures. Pero ngayon yung new house na ginawa din ng dad ko ay pinagshooshootingan pa. Dati nilalakbay niya buong pampanga para magtrabaho at magtulak ng karito pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kanyang minamaneho. Pero syempre ang lahat ng ityo ay hindi mangyayari kung hindi Tinaggap ng papa ko si Hesus bilang kanyang Diyos, Hari, at tagapagligtas.

“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have enternal life.” – John 3:16 NIV

“If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.” – Romans 10:9 NIV

Kaya TO GOD BE THE GLORY!

Happy Birthday din sayo Papa! I love you!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *