‘Basurera to Milyonarya’ Dalaga na Dating Basurera Nagtagumpay sa kanyang Negosyo Kahit Walang Puhunan Ngayon ay May Sarili ng Kompanya

Sinong magaakala na ang dating basurera na ito ay isa na ngayong matagumpay na negosyante. Siya si Joy Binuya na nangaling sa pamilya na ang ikinabubuhay ay ang pangangalakal ng mga basura.

Noong kabataan ni Joy, hindi naging madali para sakanyang pamilya ang pamumuhay dahil tanging ang kanilang pinagkakakitaan lang ay nakasalalay sa kanilang makakalakal na basura sa Payatas.

5 taong gulang siya ng namayapa ang kanilang ama, hindi sapat ang kinikita ng kanyang ina sa pangangalakal ng basura kaya naman sa murang edad ay napilitan siya at kanyang mga kapatid na tumulong sa ina sa pangangalakal ng basura upang may makain.

Ibinahagi din ni Joy na sa pamamasura din sila kumukuha ng kanilang pera para makapag-aral

“Yes, sa pamamasura kami nabuhay at nakapag-aral,”

Dahil sa hirap ng buhay, nagsumikap si Joy at pumasok siya sa ibat-ibang raket upang magkapera, ngunit nahanap niya ang kanyang tagumpay ng magsimula siya sa kanyang negosyong drop-shipping ng mga beauty products at ang mas kahanga hanga pa dito ay walang kapital si Joy ng siya ay magumpisa dito dahil siya ay middleman lamang at nagdadagdag lang siya ng maliit na halaga sa mga produktong kanyang ibinabahagi.

“Yung wala akong puhunan. Kumbaga, nagbebenta lang ako para doon sa iba, pero parang ako yung parang middle man nila.” “Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon,”

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Nang makita niya ang napakalaking potensyal sa online selling, ibinili ni joy ang kanyang naipon ng isang celphone upang magamit niya para siya ay mag reseller.

“So I tried maging reseller. Wala akong puhunan except may cp [cellphone], load for internet, and sipag. May mga times na utang pa, but it’s okay, nagsisimula pa lang, e,”

“Kasi ang bilis nakaipon. Ang lakas kasi. Nung 2014, wala pa masyadong nagbebenta ganoon, so, ang bilis kong nakaipon,”,

Nang magsimula ng kumita ang kanyang negosyo, inenroll ni Joy ang kanyang sarili sa kolehiyo habang ito ay nagtratrabaho, kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Business Management Major in Marketing Management noong 2019 sa National College of Business and Arts na matatagpuan sa Fairview, Quezon City.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Kahanga hanga din dahil kahit na busy sakanyang negosyo napapagsabay niya ang kanyang pag-aaral at ang nakakabilib pa dito ay grumaduate siya sa nakuha niyang kurso ng cumlaude.

“Mahirap pero dahil gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo iniinda yung hirap. I was so blessed kasi di ako pinabayaan ni Lord,”

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Ngayon si joy ay isa ng matagumpay na negosyante na may sariling beauty products company na may 14 na empleyado. Ang produkto ni joy ay idinidistribute niya sa buong pilipinas.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Dahil sa tagumpay na ito ni joy sa kanyang negosyo ay nakapagpatayo na siya ng bahay para sakanyang pamilya, nakabili nadin ng condominium para sa sarili.

May word of advice naman si joy sa mga kagaya niyang nangangarap lang dati,

“‘Wag ka lang mag-quit. May goal ako kahit di ko alam paano makakamit siya noon. ‘Tapos pray lang ako nang pray.

“’Tapos biglang 360, biglang ikot mo ganito na siya. Kasi kailangan may goal ka, kahit di mo alam kung paano mo siya maa-achieve,”.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *