Hindi naging madali ang pinagdaanan ng isang katutubong agta bago niya nakamit ang kanyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Viral sa social media ang isang katutubong agta na kinilalang si Zeny Sibayan Cepeda matapos itong makapagtapos sa Kolehiyo.
Kwento ni Zeny na naging mapait ang kanyang karanasan habang siya ay nag-aaral dahil lagi siyang nakakaranas ng pang aalipusta dahil sa kanyang itsura. Pero hindi naging hadlang para kay Zeny ang hirap na kanyang dinanas para maabot niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
Photo credits: Zeny Sibayan Cepeda | Facebook
Ayon kay Zeny siya ang panganay sa pitong magkakapatid at tanging high school lang ang kanyang natapos, nagkaroon lang siya ng pagkakataon na makapag-aral ng tulongan siya ng isang doktora na nagsagawa noon ng outreach program sakanilang lugar kung saan dito niya ito nakilala.
Photo credits: Zeny Sibayan Cepeda | Facebook
Photo credits: Zeny Sibayan Cepeda | Facebook
Kinilala ang doktora na si Dr. Zsa Zsa Meneses, isang napakamatulunging at napakabait na doktor na nakitaan ng potensyal si Zeny na makapagtapos ng pag-aaral.
Photo credits: Zeny Sibayan Cepeda | Facebook
Ginawang iskolar ni Dr. Zsa Zsa si Zeny kung saan kumuha si Zeny sa edad na 30 ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English sa Saint Anthony’s College sa Cagayan.
Photo credits: Zeny Sibayan Cepeda | Facebook
Nitong nakaraan lang na Mayo 30, 2022, grumaduate si Zeny sa kanyang nakuhang kurso. Itinuring ni Zeny ang kanyang degree na isang kayamanan, at isa sa pinaka importante na kanyang nakamit ay ang maipakita sa kanyang mga katribu na posibleng makamit ng mga katulad nilang kapus palad ang makamit ang kanilang pangarap na makapag-aral at makapagtapos.
Photo credits: Zeny Sibayan Cepeda | Facebook
Kwento pa ni Zeny noon na madalas siyang nakakatangap ng pangungutya dahil siya ay naiiba. Noong elementarya madalas din siyang asarin ng kanyang mga kaklase dahil butas-butas ang kanyang tsenelas kapag siya ay pumapasok.
Isa rin sa mga hindi makakalimutan ni Zeny noong siya ay nasa grade 3 ng madalas siyang mapagtripan ng kanyang mga kaklase lalo nat alam ng mga ito na maluwag sakanya ang kanyang suot na palda. Tuwing recess madalas diumano ibinababa ng mga ito ang kanyang palda kung saan sobrang nahihiya siya dahil pinagtatawanan siya ng lahat.
Pero lahat daw ng kanyang mapait na nararanasan ay nagbago noong pumasok na siya sa kolehiyo sa St. Anthony College Cagayan, dahil lahat umano ng estudyante dito at mga guro ay mababait at talagang nirerespeto siya.
Pagbabahagi din ni Zeny na mahirap ang kanilang buhay noon, tuwing wala siyang klase ay nakiki ani lang siya ng palay upang mayroon silang bigas na maisasaing.
Ayon kay Zeny ang susunod niyang plano ay ang makapagtake ng Licensure Examination sa 2023, at gusto niya kapag isa na siyang ganap na lisensyado ay matulungan niya ang kanyang pamilya at mga katribu na makapag-aral din.