Anak ng Isang Magsasaka, Nakatanggap ng Alok na Scholarship Mula sa Iba’t Ibang Unibersidad sa Ibang Bansa

Isang malaking oportunidad para sa maraming mga estudyante ang makatanggap ng scholarship para sa kanilang pag-aaral.

Mapalad nga ang isang estudyante na si Benjamin Arches Baui nang makatanggap siya ng alok na scholarship mula sa pitong unibersidad sa ibang bansa.

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

Isa nga rito ay ang Arizona State University na nag-alok ng $40,000 na scholarship. Magbibigay naman ng $100,000 o may katumbas na PhP5 million na scholarship ang Xavier University.

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

 

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

Nag-alok din ng $30,000 na scholarship grant ang University of Arizona. Nakapasa rin si Benjamin sa Jacob University sa Germany kung saan maaari siyang makatanggap ng 6,000 euros (PhP300,000) taun-taon.

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

Dagdag pa sa mga eskwelahan na ito, nakapasa rin si Benjamin sa Merrimack College habang conditional admission naman ang kaniyang natanggap sa Syracuse University. Natanggap rin si Benjamin sa iba’t ibang lokal na unibersidad. Ilan dito ay ang University of Santo Tomas, Far Eastern University, Enderun Colleges, De La Salle University-Dasmariñas, at University of Saint Louis-Tuguegarao.

Mula sa napakaraming pagpipilian, pinili umano ni Benjamin ang Xavier University,

“Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PhP1.5 million per year, into five years of my course.”

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

Talaga namang hindi na pinalampas ni Benjamin ang pagkakataon na ito dahil isa itong malaking tulong para sa kanilang pamilya.
Plano naman ni Benjamin na kumuha ng kursong Bachelor of Science in Architecture.

Dagdag pa niya, talagang masayang-masaya siya at ngayon ay makakapag-aral na siya sa kaniyang dream school, “Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining.

“Ayon pa kay Benjamin, matagal na rin niya itong pangarap kaya naman pagpapahayag niya, “It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it.”

Photo credits: Arches Lincoln Bench | Facebook

Nagbigay naman ng payo si Benjamin sa mga kapwa estudyante,

“Ang pinaka importante po sa lahat ay maging disiplinado po sa pag-aaral and maging responsable po. And don’t let your anxiety deter you from achieving your dreams.”

Totoong kakaunting mga estudyante lamang ang mapalad na nagkakaroon ng ganitong oportunidad. Hindi rin naging madali ang pagkamit ni Benjamin ng pangarap na ito kaya naman walang duda na talagang kahanga-hanga ang kaniyang nakamit na tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *