17 Taon Gulang na Dalagita Todo ang Pagsusumikap Para Mapagawan ng Komportableng Tirahan ang Kanyang Ama na Na-istroke

Bata palamang ng iwan si Clara at kanyang ama ng kanilang ina, ngunit hindi ito naging hadlang upang sa mag-ama upang malampasan ang hirap ng buhay na kanilang dinadanas.

Si clara isang batang tindera, sa edad na 17 taon gulang ay kumakayod na para sa pangarap niyang mabigyan ng maganda at komportableng tirahan ang kanyang ama na na-istroke. Sa isang youtube channel na Virgelyncares 2.0 Official, ipinalabas ang buhay ni Clara at kanyang ama na may stroke.

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

Nakilala ng may-ari ng nasabing youtube channel na si Virgelyn si Clara na isang tindera sa bakery sa Naga. Kwento ng dalaga kumikita siya ng mahigit kumulang Php 3,000 sa isang buwan bilang tindera sa bakery.

Maliban sa pagtitindera, sumasideline din ang dalaga sa pag fi-fishball at iba pang tinda na meryenda na tuhog-tuhog. Masipag si Clara dahil lahat ng pwede niyang mapagkakitaan ay kanyang pinapasok katulad nalang ng pagbebenta din ng Skin Care products.

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

Lahat ay kinakaya ni Clara para sakanyang amang hirap maglakad dahil sa stroke, nais ng dalaga ay mabigyan ng komportableng tirahan ang kanyang ama at ang tanging pangarap nito ngayon ay mapatayuan ng maayos at komportableng tirahan ang ama.

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

Kwento ng dalaga, dalawa nalang sila ng kanyang ama na namumuhay dahil bata palang siya ay iniwan na sila ng kanyang ina. Nang tanongin naman ang dalaga kung gusto niya manawagan na balikan sila ng kanyang ina ay pangit-ngiti nalang ito na tila nahihiya ngunit ayaw ipakita na sa puso niya ay anjan parin ang galit sa inang nang-iwan sakanilang mag-ama.

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

Tanging nabangit nalang ng dalaga ay ang mga katagang “Kahit naman po wala siya, kaya naman namin ni papa.”

Photo credits: Virgelyncares 2.0 Official | Youtube

apat na taon gulang palang si Clara noon ay tumutulong na siya sakanyang mga magulang dahil bata palang siya ng magkasakit ang kanyang ama. Ang tanging inaasahan lang ngayon ng mag-ama para sa pang araw-araw nila ay ang kakaunting kinikita ni Clara mula sa kanyang mga raket. Dito din hinuhugot ni Clara ang kanyang pinangagastos sa pagpapatayo ng kanyang pangarap na bahay para sa ama.

Nakatangap naman ng tulong ang mag-ama mula sa programa ni Virgelyn, kung saan inabutan sila nito ng Php 10,000 para makadagdag sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Labis naman ang pasasalamat ng dalagita at ng kanyang ama sa programa ni Virgelyn kung saan nagviral ito sa social media at humakot ng maraming viewers sa youtube.

17 years old naka pundar ng bahay || kita niya lang sa pag online seller atp titinda ng fishbol

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *