16 Anyos na Dalagita, Isa ng Negosyante at Milyonarya

May ilang mga negosyante na mahabang panahon ang hinintay upang simulan ang kanilang sariling negosyo. Matagal-tagal rin bago nila naabot ang inaasam na regular at malaking kita mula sa kani-kanilang mga negosyo.

Bagamat ito ang karaniwang kwento ng mga negosyante at bagamat ang ilan sa kanila ay hinintay ang mahabang panahon upang tapusin muna ang pag-aaral, totoong wala namang maituturing na age requirement pagdating sa pagnenegosyo. Basta’t nariyan ang dedikasyon at sapat na kaalaman sa pagnenegosyo at sa iyong produkto, walang duda na magiging matagumpay rin ang negosyong ito.

Photo credits: GMA | YT

Ganito nga ang naging kwento ng 16 taong gulang na si Irish Oloris. Mayroong online business ang batang negosyante na ito kung saan nagbebenta siya ng iba’t ibang beauty products at ngayon nga ay nakalikom na siya ng isang milyon mula rito.

Photo credits: GMA | YT

Ayon sa nanay ni Irish na si Mommy Irene, nakuha umano ni Irish ang kaniyang galing sa pagbebenta mula sa kaniya. Dahil siya ay isa ring negosyante, sa murang edad pa lamang ay namulat na si Irish sa pagnenegosyo. Dagdag pa rito, natutulungan din niya si Irish hindi lamang sa sarili nitong negosyo kundi pati na rin sa pagpapaalala rito tungkol sa kaniyang pag-aaral.

Photo credits: GMA | YT

Talaga namang kahanga-hanga si Irish dahil naisasabay niya ang pag-aaral at ang pagnenegosyo. Dagdag pa rito, sa halip na ilaan niya sa kung anu-anong bagay ang kaniyang naipong pera, ipinakita ni Irish ang kaniyang pagiging wais dahil pinili niyang bumili ng isang property sa Zambales. Balak rin niyang mag-ipon pa para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.

Photo credits: GMA | YT

Bagamat tuloy-tuloy ang tagumpay ni Irish sa kaniyang negosyo, ibinahagi pa rin ni Mommy Irene ang kaniyang laging paalala rito,

“Sana huwag niyang kakalimutan kung saan siya nagsimula, at uunahin lagi si God at ‘yung pagtulong sa kapwa, kasi money follows na lang eh.” Para naman kay Irish, nagbahagi siya ng ilang payo para sa kaniyang kapwa negosyante, “One of my favorite quotes is, ‘Dream at a very young age’ because there are no limits to dreams. Mas maganda na po ‘yung mag-start ka nang maliit at mag-dream ka po nang malaki, para may preparation na rin po sa future.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *