Yeng Constantino, Ipinakita sa Kanyang New Vlog ang Kanilang Nakaka Goodvibes na Farm House na may Istilong Tiny Home

Parang kailan lamang ng ibinida ng singer na si Yeng Constantino sa kanyang vlog ang kanilang malawak na farm kung saan ay kanya rin ngang nabanggit na sila ng mister niyang si Yan ay plano magpatayo roon ng kanilang farm house upang sa tuwing bibisita sila ay mayroon silang sariling matitirhan. At sa halos ilang buwan nga lamang na paghihintay nilang mag-asawa ay masaya namang ipinakita ni Yeng sa kanyang latest vlog ang kanilang halos tapos ng farm house na may istilo ngang tiny home.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Sa kanyang latest vlog ay bakas ang kasiyahan ni Yeng ng ibahagi nga niya sa kanyang mga tagasubaybay na sa wakas ay halos tapos na ang kanilang farm house ng mister niyang si Yan at tinawag pa nga niyang ang kanilang dream tiny home.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Ayon kay Yeng ay mukha lamang na malaki sa video ang kanilang farm tiny home dahil ang nagbibigay nga ng kalawakan dito ay ang balkonahe nito na mayroon umano sa harap, sa gilid at sa bandang likuran.

Pagbabahagi pa ng singer isa sa mga pinakapaborito niyang parte ng kanilang farm house na ito ay ang aesthetic ng anahao. Saad pa ni Yeng ang naturang farm house nila ay malayo sa bahay nila sa siyudad dahil mas pinili nga nila na rough finish lamang ito, goal nga umano nila itong mag-asawa ang maging iba ang vibe ila sa tuwing sila ay bibisita sa kanilang farm house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Ipinakita rin ni Yeng na sa kanilang balkonahe ay mayroon nga silang mga saksakan, dahil mas madalas nga silang magtrabaho ni Yan sa may balkonahe lalo pa’t napakaganda nga ng tanawin na matatanaw nila mula rito. Masayang masaya din siya na ibahagi na ilan nga sa mga ideya sa kanilang farm house na ito ay nakuha niya mula sa Pinterest, kagaya na lamang ng main door nila na isa ngang barn door.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Nang ipakita naman niya ang kanilang living room ay mapapansin nga na maliit lamang ang espasyo nito ngunit ang kagandahan umano nito ay ang pagiging high ceiling nito at ang pagkakaroon nito ng malalaking glass window na siya rin ngang nagbibigay ng natural na liwanag dito tuwing umaga.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Kasunod naman na ipinasilip ng singer ay ang kanilang kitchen, kung saan ay ibinida naman niya ang kanilang counter na ayon sa kanya ay cement finish na medyo may pagkaglossy dahil sa inilagay nilang coat dito bilang proteksyon din sa basa. Ibinida rin niya ang kanilang hanging shelves at open shelves sa kanilang kusina. Ayon nga kay Yeng ay pinili niyang open ang mga ito at nakikita niya upang hindi matambak at magamit nga nila ng madalas lalo na ang mga kitchenwares.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Mapapansin naman na mababa ang ceiling sa may bandang kusina ng fam tiny house nina Yeng at ito nga ay dahil ang itaas nito ay kanilang loft bedroom.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Huli namang ipinasilip ni Yeng ang kanilang bathroom na ayon nga sa kanya ay ito ang kanyang dream bathroom na may pagka outdoor nga ang dating kahit ito ay indoor bathroom. Pagpasok pa lamang ng ani yeng ay talaga namang nakakamangha na ang vibe sa kanilang bathroom, at ibinida din niya na ang bubong nga sa bahagi na ito ay polycarbonate kaya naman natural ang liwanag na pumapasok rito. Ibinida din niya ang napakaganda nilang flooring sa kanilang bathroom at ang bahagi kung saan ay may banig ang kanilang wall.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Kuwento din ni Yeng sa farm house nila na ito natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng bath tub sa loob ng kanilang bathroom, dahil nga umano sa bahay nila sa siyudad ay wala silang bath tub at bumili lamang nga umano soya ng portable bath tub na iniigiban pa nila ng tubig.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Tunay namang napakaganda ng farm house nina Yeng, at marahil ay marami na naman ang nakakuha ng ideya sa atin kung paano magkakaroon ng isang simple ngunit nakakarelaks na tahanan sa probinsya.

Tapos Na Ang Farmhouse Namin! Dream Tiny Home Series Episode 1 | Yeng Constantino Vlogs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *