Wais na OFW sa Bahrain Ibinili ng Lupa ang Perang Kinikita sa Pagtratrabaho sa Ibang Bansa, Ngayon Nagmamayari na ng 1700sqm na lupain

Marahil marami narin kayong nabasa o napapanood na malulungkot na sinapit ng mga kababayan nating OFW, ilan nga sa mga ito ay naabuso ng kanilang mga amo at umuuwing walang wala at luhaan. Ilan pa sa ating mga kababayan ay hindi nakakapagipon at nauubos lang ang perang kinikita sa pagtratrabaho abroad sa kung ano anong luho lalo na pagdating ng luho ng kanilang mga pamilya sa pinas.

Pero hindi naman lahat ng OFW ay malupit ang sinasapit sa ibang bansa, katulad nalang ng isang Domestic Helper na proud owner ng 1,700 sqm na lupain sa negros. Ang Domestic helper na ito ay kinilalang si Zally Terencio, 50-taon-gulang na nagtratrabaho sa Bahrain.

Photo credits: Zally Terencio | Facebook

Read More at ofwtambayan.net/wise-domestic-helper-invests-earnings-now-owns-1700-sqm-of-land/?fbclid=IwAR0O7WtXAbnyGoT_yaKucr_bxLFUn2_6sro78h1fMbYHOLkdQeeedkaLkoQ

Kwento ni Zally mapalad siya dahil sa mga mabubuting amo niya siya nakapagtrabaho dahil hindi na siya naiba sa mga ito. Isinasama pa nga siya madalas sa mga out of town ng kanyang mga amo, nakapunta siya sa ibat-ibang bansa kagaya ng Las Vegas, Lebanon, Dubai, Miami, Oman at lagi pa siyang sinasama kapag nagpapakuha ng larawan ang kanyang mga amo.

Photo credits: Zally Terencio | Facebook

Pagbabahagi ni Zally na,

“Nakapunta na ako ng Las Vegas, Dubai, Lebanon, Miami, Oman kasama sila tapos pag nag picture sila sinasama ako,”…

Photo credits: Zally Terencio | Facebook

Hindi din naging iba ang pagtrato ng kanyang mga amo sakanya at kanyang pamilya, madalas nga kinakamusta ng mga ito ang kanyang pamilya sa pinas.

“Hindi iba ang turing nila sa akin. Lagi ako nila kinakausa at tinatanung tungkol sa family ko sa Pinas kung kamusta daw ba,”… pagbabahagi ni Zally.

Photo credits: Zally Terencio | Facebook

Naging wais si Zally sakanyang perang kinikita, ayon sakanya bumili siya ng lupa sakanilang lugar na may kabuoang sukat na 1,700 sqm at nakuha niya ito ng installment. Ayon kay Zally matapos niya nang mabayaran ng buo ang balanse niya sa lupa at balak niya ng umuwi sakanilang lugar for good upang makasama ang kanyang pamilya.

Photo credits: Zally Terencio | Facebook

“Ang pag aabroad ay depende sa maging amo mo. Pag nakatagpo ka ng amo na mabait, ma swerte ka. Gawin mo lang ng mabuti ang trabaho mo, huwag kang pasa…” pagbabahagi ni Zally.

Malapit na ngang matupad ni Zally ang kanyang mga pangarap at unti unti na niyang nararamdaman ang ginhawa matapos niyang tiisin na mawalay ng ilang taon sa kanyang pamilya. Isa si Zally sa mga OFW na dapat nating hangaang at gawing inspirasyon upang makapagipon para sa pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *