Tingnan: Isang Dating Construction Site, Ngayon ay Isa Nang Napakagandang Two-Storey House Matapos ito Pagandahin ng Isang Arkitekto

Para sa karamihang tao na nais bumili ng properties, kadalasan ay isinasaalang-alang nila ang lokasyon at kagandahan ng property na kanilang bibilhin. Bihira lamang ang mga taong nakikita ang potensyal ng isang property. Nakitaan din ng potensyal ng kasalukuyang may-ari ang construction site na ito at ngayon nga ay isa na itong townhouse na mas kilala sa pangalang, Blessed Hill.

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Talagang malayong-malayo ito sa dati nitong itsura. Ngayon, isa nang 2-storey home ang Blessed Hill. Mayroon itong sukat na 88 sqm. Naglalaman din ito ng tatlong kwarto at dalawang palikuran. Bukod sa open layout nito, mayroon ding balanse ng industrial at oriental na tema ang bahay na base sa kagustuhan ng kasalukuyang may-ari nito at base na rin sa dating itsura at istruktura nito,

“Some areas show exposed electrical piping that add to the industrial effect and there are suspended fabricated wooden cable trays for the pin lights.”

Photo credits: realiving.ph

Bukod sa kakaibang mga dekorasyon at kagamitan, puno rin ng muwebles na gawa sa kahoy ang bahay na ito. Makikita ito sa ilang kagamitan at disenyo sa kusina, dining area, at living space. Pagpapaliwanag din ng architect,

“The walls are not concrete, but are actually made of plywood cladding with acrylic skimcoat finish. Working with wall classing enabled us to separate the different areas while concealing the awkward placement of the existing columns.”

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Pagdating naman sa living area ng bahay, talagang makikita ang moderno nitong tema dahil sa kakaibang kulay at artworks dito. Mayroon din itong open ceiling layout kaya’t nagiging mas malawak itong tingnan. Para naman maitago ang ilang plumbing pipes, mapapansin ang mas mababang kisame sa ilang parte ng unang palapag.

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Mula dito ay maaaring puntahan ang ikalawang palapag ng bahay. Dito, maaaring makapagrelax ang pamilya sa pangalawang living space, na may magkatulad na tema gaya ng nauna. Para naman sa dalawang kwarto, gumamit sila ng mga double-deck at pull-out beds upang magamit ang lahat ng espasyo sa silid. Dagdag pa ng architect,

“In this room, we decided to incorporate awning windows to maximize airflow.”

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Ang master bedroom naman ang may pinakamagandang view ng lugar.

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Bukod pa rito, may sarili din itong palikuran kung saan makikita ang kakaibang mga disenyo at kagamitan.

Photo credits: realiving.ph

Photo credits: realiving.ph

Mapapansin na talagang gumugol ng sapat na oras at panahon ang mga taong nagtrabaho rito upang mabago ang dating anyo ng isang simpleng construction site at maging isang napakagandang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *