Tinaguriang Overkill Pares, Kumikita Ngayon ng Milyon-milyon

Kung minsan nagsisimula lamang sa simpleng mga produkto ang ilang mga negosyo ngunit kung sasamahan ito ng kaunting pakulo at kakaibang elemento ay talagang magiging kilala at matagumpay rin ito.

Photo credits: GMA NEWS | YT

Ganito rin ang pagsisimula at sekreto ng Overkill Pares ng Pares ni Peso. Ayon sa may-ari nito na si Peso Mercado, nagsimula ang negosyong ito nang malugi ang ilan niyang negosyo noong nagsimula ang pandemya,

“Nagstart ang Pares ni Peso kasi nung mga panahon na iyon, medyo bumagsak kasi yung ibang mga business ko kasi siyempre pandemic.”

Photo credits: GMA NEWS | YT

Sa pagsisimula niya ng Pares ni Peso, naglabas lamang siya ng PhP55,000 bilang kapital. Dagdag pa niya, siya mismo ang namimili ng mga sangkap at naghahanda ng pares. Dito na rin niya nadiskubre ang Overkill Pares na gumagamit ng isang napaka-anghang na sili bilang secret ingredient. Kwento ni Peso, ang Carolina Reaper o mas kilala bilang Dragon’s Breath ang ginagamit niya para sa bestseller ng kanilang negosyo. Ibinebenta naman niya ito sa halagang Php95.

Photo credits: GMA NEWS | YT
Upang lumaki naman ang kita ng kaniyang negosyo, nag-isip si Peso ng paraan upang makilala at magtagumpay ang negosyong ito. Ayon nga sa kaniya,

“Kailangan may brand awareness ka. Yung na-curious yung tao, that’s part of the business.”

Dahil dito, nag-isip siya ng isang gimik gamit ang Overkill Pares at ito ang double overkill challenge kung saan kailangang maubos ng isang customer sa loob lamang ng dalawang minuto ang dalawang Overkill Pares na mayroong Carolina Reaper chili sauce. Kung magtagumpay sila sa hamon na ito, maaari silang makatanggap ng PhP15,000.

Photo credits: GMA NEWS | YT
Dahil sa kakaibang gimik na ito, dinarayo na rin sila ng mas maraming customers ngayon at ang Overkill pares ang isa sa kaniyang naging bestseller. Kalaunan, kumikita sa si Peso ng milyon-milyon mula lamang sa pagbebenta ng pares. Dahil dito, bukod sa pagbabahagi ni Peso ng kaniyang kwento at sekreto sa tagumpay na kaniyang tinatamasa ngayon, ibinahagi rin niya ang proseso ng paghahanda ng kaniyang bestseller na pares.

Photo credits: GMA NEWS | YT
Talagang kahanga-hanga si Peso, hindi lamang dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagpapalago ng kaniyang negosyo, kundi pati na rin sa kaniyang pagkamalikhain. Dahil dito, nagsisilbi na siyang inspirasyon ng ilang negosyante na nais ring magkaroon ng isang matagumpay na negosyo.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *