Tatlong Magkakaibigan, Naginvest ng P6,000 para sa Kanilang Mobile Coffee Business, Ngayon Kumikita na ng Mahigit Kumulang P200,000 Kada Buwan

Ang pagpapatakbo ng isang negosyo ng walang sapat na ideya at kaalaman ay malaking sugal, pero sa magkakaibigan na ito hindi sila natakot na mag risk sa kanilang coffee business na tinawag nilang City Brew.

Kilalanin si Carl, Maryvan at Vincent kung saan walang ka idi-ideya kung paano nga ba magpatakbo ng isang coffee shop business pero nagtake risk sila. Pagbabahagi ng magkakaibigan ang kanilang initial investment ay nagkakahalaga lamang ng P6,000.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon sa magkakaibigan pandemic ng magsimula ang kanilang negosyo July, 2020 at naisipan nila na ang kanilang kape ay hindi lang para sa Laoag kung saan sila nakatira, ang balak nila ay isang mobile coffee shop na pwede nilang dalhin sa ibat-ibang municipalities, syudad, probinsya at ang pinaka goal nila ay ang makilala ang kanilang coffee business sa buong bansa.

Kwento ng magkakaibigan hindi din naging madali ang kanilang pagsisimula sa kanilang negosyo, dahil wala pa silang masyadong alam sa mga timpla ng kape, ay ang tanging binebenta nila ay isang variant palang ng cold brew kung saan ito ay ang kanilang producto na black coffee na kanilang benebenta online lang, noong una ay malakas ang kanilang kinikita pero kalaunan unti-unti itong humina hanggang umabot sila sa punto na muntik na nilang isara ang kanilang negosyo.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang magkakaibigan, pumasok sa kanilang isipan na hindi pala lahat ng tao ay mahilig sa cold brew na black, kaya naman nagsimula na sila mag explore ng ibang flavors at nagdagdag sila ng mga bagong flavor ng kape sa kanilang menu. Dito na nagsimula ulet magboom ang kanilang negosyo dahil tuloy tuloy nanaman ang pasok ng mga orders sakanila.

Photo credits: OG | Youtube

July 2020 ng magsimula ang magkakaibigan sakanilang negosyo at pagkalipas lang ng halos tatlong buwan, nakita na agad nila ang napakalaking potential sa coffee business nila.

Naging malaking tulong din sakanila diumano ang proyekto ng provincial capital ng ilocos norte dahil sa proyekto nitong tinawag nilang “Buying” na nakalaan para tulungan ang mga maliliit na negosyo na makilala. Dito nila inilabas ang kanilang mobile coffee shop kung saan mas maraming costumer ang kanilang naseserban ng kanilang mga produkto.

Photo credits: OG | Youtube

Marami din ang natatangap nilang mensahe sa kanilang facebook page na nagtatanong kung nagpapafranchise daw sila ng kanilang mobile coffee shop, dahil daw ito karamihan sa kanilang mga costumer ay nagandahan sa packaging, mobile cafe setup at sympre ang masarap na lasa ng kape nila.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Proud naman na ibinahagi ng magkakaibigan ang kanilang mga best seller na produkto kagaya ng Salted Caramer, Vanilla Caramel Cream at Whiet mocha.

Photo credits: OG | Youtube

Dahil sa kanilang matagumpay na mobile cafe business kaya na nilang makaubos ng more or less 50 cups kapag weekdays at 100 cups naman kapag weekend kung saan papalo ang kanilang monthly income ng more or less P200,000.

 

Photo credits: OG | Youtube

Hindi madali ang pagnenegosyo pero sa tulong ng sipag at tiyaga, panalangin at paniniwala siguradong mapagtatagumapayan kung ano man ang mga hamon na dumating sainyong mga negosyong naitayo.

Photo credits: OG | Youtube

Ang tatlong magkakaibigan na ito ay isa sa mga dapat nating gawing inspirasyon para wagmatakot mag take risk na pumasok sa isang negosyo at kayanin lahat ng mga pagsubok na dadaanan patungo sa isang matagumpay na pagiging isang negosyante.

Friends Invested P6k Capital to Grow a Mobile Coffee Biz Now Making Them P200k/Month

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *