Silipin ang Napakalawak na Farm ni Angel Locsin sa Bulacan

Maliban sa pandemya na ating kinakaharap sa panahon ngayon ay meron pang isang bagay na ating dapat pagtuunan ng pansin at ito ang Global Warming.


Image courtesy: Angel Locsin/Youtube

Dahil sa walang habas na pagputol ng mga puno at pagkalbo sa ating mga kagubatan ay nanganganib ang buong mundo sa pagbabago ng klima.

Kung kaya gumagawa din ng maigtingang pagkilos ang gobyerno upang matugunan ang problemang ito pati na din ang mga kilalang organization ay nakikilahok na din upang hindi na lumala ang sitwasyon.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Maliban sa mga mga organization ay meron din mga tao na handang tumulong upang lumaban sa global warming at isa na dito si Angel Locsin na ating iniidolo.

Kilala si Angel Locsin na aktibo sa mga ganitong bagay at dahil diyan ay tinagurian siya ng marami mga Pilipino na isa siyang Real Life Superhero na handang tumulong sa mga tao.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Sa kanyang latest Vlog ay ipinakita ng aktres kasama ang kanyang Fiancé na si Neil Arce ang kanyang farm sa Bulacan na puro may mga nakatanim na puno.

Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Sa Vlog na ito ay hinihikayat umano niya ang kanyang mga kababayan na magtanim din ng puno sa mga lugar na binabadyaan ng deforestation.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Nagtatag umano ng proyekto si Angel Locsin na tinatawag niyang Green Passion at ang objective nito ay tulungan ang reforestation efforts.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Saad nga ng aktres na walang buhay sa mundo kung walang mga puno. Walang tayong magiging ulan, magiging prone ang lupa sa erosion at higit sa lahat magiging delikado na ang hangin na ating kailangan.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Dagdag pa ng aktres na ito ang isa sa mga pinakamadaling paraan upang matulungan natin ang ating kalikasan sa tuluyang pagkawasak.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Ibinahagi din ng aktres na ang lupa na ito ay nabili niya sa San Jose Del Monte, Bulacan na kung saan ito ay isa din niyang tribute sa mga magsasaka.


Image courtesy: Angel Locsin/Instagram

Saad din ng aktres na simula pa lang noon gusto na umano niya na magtanin kung kaya naisipan din niya na bilhin ito. Pasalamat umano siya na sa mga panahon na iyon ay mura pa ang lupa dahil sa ngayon ay tumataas na ang presyo nito.

Project Green with Angel and Neil | The Angel and Neil Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *