Silipin ang Napakagandang P1.6M Minimalist Tiny House na ito sa Laguna ng 26-Taon Gulang na Negosyanteng ito kung Saan May Nakaka Goodvibes na Disenyo

Ang paninirahan sa isang maliit pero komportableng bahay ay isa sa mga pangarap ng negosyanteng si MJ Loleng. Pagbabahagi ni MJ na sobrang kuntento na siya sa minimalist na bahay  nilang ito dahil andito na lahat ng kanilang kailangan, hindi man masyadong malaki pero functional at lahat ng mga pangangailangan nila ay kumpleto at nasa loob ng kanilang maliit na bahay.

Sa eksklusibong interview ng Only Good Content (OG) Youtube channel kay MJ, ipinasilip nito ang kanilang minimalist pero napakagandang bahay na may kabuoang sukat na 49sqm habang ang lot area naman ay 780sqm.

Pagbabahagi ni MJ na maliit lang talaga ang nilaan nilang area para sakanilang bahay at ang mga bakanteng espasyo sa kanilang lote ay kanilang minaximazed. Nagtayo din si MJ ng negosyo sa kanyang lote na pinangalanan niyang Umma’s Sammyup Cafe.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagpasok sa bahay, unang ipinakita ni MJ ang kanilang living room kung saan naglagay siya dito ng maliit na sofa. Kwento ni Angel na maliit na sofa lang talaga ang kaniyang inilagay dito para masmabigyan ng malaking espasyo ang kanyang pamilya kapag dito sila tumatambay, madalas dito diumano sila nagbobonding at mas nagiging connected sa isat-isa.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Para mas magkaroon ng buhay ang kanilang munting bahay, naglagay ng Monstera plant sa ibat-ibang sulok ng bahay dahil ito ang kanyang paboritong halaman. Halos karamihihan ng kagamitan na nagbibigay ganda sa kanilang sala ay binili lang ni MJ sa shopee sa murang halaga, at ang mga disenyo naman ay nakuha nya lang sa pinterest. Naghanap si MJ ng mga minimalist house design sa Japan at dito niya kinuha ang idea ng kanyang bahay.

Maliban sa pagkuha ng idea sa internet, nakakuha din siya ng ideya sa libro na kanyang mga binabasa katulad nalang ng kulay ng kanilang bahay.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagdating naman sa kusina sinigurado ni MJ na makakagalaw siya ng maayos sa kusina at mayroon itong sapat na mga cabinets para sakanyang mga gamit sa pangluto, pagbabahagi ni MJ na kinahihiligan niya talaga ang pagluluto kaya naman talagang pinaganda niya ang kusina at sinigurado niyang functional ang lahat dito at maximized ang mga espasyo.

Ayon pa kay MJ na 2 in 1 na ang kanyang kusina dahil maliban sa andito na ang countertop niya ay dito narin ang kanilang dining area, kaya mas madali sakanya at hindi siya napapagod dahil magkakalapit lang ang mga kailangan niya kapag siya ay magluluto at maghahanda ng pagkain. Mapapansin din na nakagranite ang kanyang countertop dahil paliwanag ni MJ na kapag may natapo ditong pagkain ay madali lang linisin.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Nasa kusina na din ni MJ ang kanyang washing machine kung saan naginvest siya sa mamahaling washing machine dahil sa sobrang dami niyang trabaho at negosyo minsan wala na siyang time maglaba.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Samantala may dalawa namang kwarto ang minimalist na bahay nilang ito, ang Masterbedroom ay may sukat na 10 sqm, at ang kwarto naman ng kanyang anak ay may sukat na 9sqm.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ibinahagi din ni MJ ang kanyang naging kwento at inspirasyon sa pagpatayo ng bahay na ito, kwento ni MJ na noong una ay palipatlipat sila at wala silang permanenteng bahay, may time pa nga na inaasar sya ng kanyang mga kaibigan na NPA. Ito humugot ng motivation si MJ na magpatayo ng sariling bahay, kaya naman ng magtagumpay ang kanyang mga negosyo, una niyang pinagipunan ay ang kanyang pangarap na bahay para sa kanyang pamilya.

Pagbabahagi ni MJ na aabot sa P800,000 ang nagastos nila sa kanilang bahay pero bare palang ito, kung kasama na ang interior pati na ang lahat ng kagamitan, umabot ito ng P1.6 milyong piso. Halos isa at kalahating buwan lang naman inabot ang pagpapatayo nila ng kanilang bahay.

Step Inside this P1.6 M Minimalist Tiny House Where Beauty Meets Functionality | OG

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *