“Sikap at Diskarte” Isang Estudyante, Nakapagtapos sa Kolehiyo sa Tulong ng Kaniyang Tie-Dye Business at Paglalabandera Kapag Walang Pasok

Totoong hindi lahat ng tao ay may kakayahang matustusan ang pag-aaral dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Gayunpaman, may iilang mga kabataan na walang-sawang naghahanap ng paraan upang matapos lamang ang kanilang edukasyon at makapagtrabaho para sa kanilang pamilya.

Gaya ng ilang kabataan na kapos sa buhay, labis ang pagsisikap ni Anne Desiderata upang mairaos ang kaniyang pag-aaral. Hirap din sa buhay ang kaniyang mga magulang kaya hindi rin nila magawang suportahan si Anne sa kaniyang pag-aaral ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang tagumpay. Habang siya ay nag-aaral ng Electronics and Communication Engineering sa Pamantasan ng Cabuyao, nagtatrabaho rin siya bilang isang part-timer.

Photo credits: Anne Desiderata | Facebook

Tumanggap siya ng iba’t ibang trabaho gaya ng pagiging labandera, portrait artist, at student assistant. Maging ang online selling ay pinasok rin niya para lamang makabili ng mga kinakailangang kagamitan para sa kaniyang pag-aaral.

Kalaunan, nagbukas siya ng kaniyang sariling tie-dye business na Dapit-Hapon. Sa mga kalye, ibinebenta niya ang mga tie-dye na damit at bags. Dahil dito, natustusan ni Anne hindi lamang ang kaniyang sariling pangangailangan kundi pati na rin ang gastusin ng kanilang pamilya.

Photo credits: Anne Desiderata | Facebook

Hindi rin nagtagal ay nakapagtapos na nga si Anne. Ibinahagi naman niya sa social media ang kaniyang mga naging pagsisikap. Ayon sa kaniya,

“Being able to finish college is a privilege, and I would like to leave a piece of advice to some kids out there. Do not take your study for granted (specially if somebody sacrificed to provide your financial needs), collect great experiences and learn from those.”

Talagang kahanga-hanga ang pagiging mapamaraan ni Anne. Ginamit niya ang kaniyang talento at kakayahan upang kumita. Hindi niya hinayaan ang kahirapan at mga problema na hadlangan ang pag-abot niya sa kaniyang mga pangarap bagkus ay nagsikap lamang siya. Kaya naman sa mga kapwa kapus-palad na estudyante gaya ni Anne, nagbigay din siya ng kaunting payo. Ayon nga sa kaniya,

“Do not be afraid to try, learn from your mistakes, and strive for excellence. The whole universe will conspire and meet you there.”

Photo credits: Anne Desiderata | Facebook

Totoong puno ng aral at inspirasyon ang kwentong ito ni Anne hindi lamang para sa mga estudyante kundi pati na rin sa lahat ng taong kasalukuyang may pinagdadaanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *