Roofdeck na Dating Tambakan, Ginawang Goodvibes Tambayan Ng Isang Pamilya Na Gumastos Lamang ng Php120,000

Marami nga sa atin ang naghanap ng ibang mapaglilibangan sa gitna ng pandemya. Kaya naman, sa loob ng halos dalawang taong pandemya ay kanya-kanyang pakulo ang bawat isa sa kanilang pananatili sa kani-kanilang bahay. Marami ang naging trending na DIY ng swimming pools, indoor playground at mga nagpagawa at paayos ng bahay.

Photo credits:  Hervia Joy Millares

Photo credits:  Hervia Joy Millares

Photo credits:  Hervia Joy Millares

At ito nga ang isa sa mga naging libangan ng mga tao upang mabawasan ang pagkabagot sa loob ng mahabang panahong pananatili sa loob ng kanilang tahanan. Ang bawat isa ay talagang pagandahan at pabonggahan ng kakalabasan ng renovation, at syimpre karamihan nga sa kanila ay talagang budget friendly lamang para makatipid sa gastos.

Photo credits:  Hervia Joy Millares

Katulad na lamang nga ng mag-asawang sina Hervia Joy Miralles at Ar Mario Miralles. Nagkataong architect at contractor si Mario kung kaya’t ang roofdeck ng kanilang bahay na dating tambakan ay isa na ngayong napakaganda at nakakarelaks na tambayan para sa kanilang pamilya.

Photo credits:  Hervia Joy Millares

Kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang ginawang renovations sa kanilang dating tambakan. At ang dating tambakan ay naging isa na ngayong relaxing garden para sa kanilang pamilya. Dahil na rin sa mga restrictions kung saan hindi makalabas ang mag-anak kaya ang roofdeck ang naging paboritong tambayan ng buong pamilya.

Photo credits:  Hervia Joy Millares

“We used it (roofdeck) as our storage before. Then the pandemic happened. Ilang months ang lockdown at hindi pwede lumabas, especially mga kids, so naisip ni Mario na gawin hangout place.”

Aminado naman ang mag-asawa na hindi naging madali para sa kanila ang maipagawa ang tambayan, lalo na nga’t nasa gitna ng pandemya. Ngunit, dahil nga sa kagustuhang matapos ang proyekto ay gumawa sila ng paraan. Para makatipid sa gastos, ang ilang mga materyales na ginamit sa paggawa ng tambayan, ay mula sa mga sobrang kagamitan sa construction projects ni Mario. At sa kabuuan nga ay gumastos lamang sila ng P120,000 para maisakatuparan ang napakaganda at nakakarelaks na tambayan sa kanilang roofdeck.

Photo credits:  Hervia Joy Millares

“It was a challenge for us financially working with this project as some of our projects were temporarily halted that time because of the pandemic ”

“70% ng materials na ginamit namin ay mga recycled and excess from his (Mario’s) projects kaya minimal lang ang na-spend namin sa pagpagawa. Around Php120,000 in an area of 70sq.m kasama na ang mga additional materials and workers payroll.”

Hindi man nga makapasyal sa labas, ay nararanasan pa rin ng pamilya Miralles ang outdoor activities dahil sa kanilang tambayan sa roofdeck. Dito na rin nagaganap sa tambayan ang mga gatherings ng pamilya Miralles. Nakakapag-enjoy ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang.

Photo credits:  Hervia Joy Millares

Tunay nga na hindi kinakailangang magastos ang pagpapaayos at pagpapagawa ng hangout para sa pamilya dahil importante na kompotable at nag-eenjoy ang bawat isa, at higit nga sa lahat ay ligtas ang kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *