Magkapatid, Kinonvert ang Isang Luma at Kalawangin na Industrial Tank sa Isang Napakagandang Tiny House

Ang pagpapatayo ng bahay ay hindi biro, kinakailangan ito ng sapat na pera, kaalaman sa pagpapatayo, at disenyo na madalas ngayon ay kinukuha nalang ng karamihan sa internet. Karamihan nakikita natin sa mga youtube vlog ay mga tiny house, kung saan madami ang nahuhumaling dito, may mga nagpapatayo ng tiny bahay kubo, mayroon namang mga container house pero ang magkapatid na

Missouri Brothers na kinilalang si Taimoor at Rehaan ay dinala sa panibagong level ang pagpapagawa ng bahay matapos gawing home renovation project ang isang luma at kalawangin na Industrial Tank.

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Sa isang kapirasong lupa sa Missouri, itinayo ng magkapatid na sina Taimoor Nana at Rehan Nana ang kanilang proyektong Rusty Tank into Tiny House sa tulong ng kanilang kaibigan na isang builder na si Kyle Davis.

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Sa kanilang naging pagdodokumentaryo ng kanilang proyekto, sinimulan nila ito sa pamamagitan ng pagbukas ng kalawanging tanke gamit ang isang oxygen source. Sa gilid na bahagi ng tanke gamit ang oxygen source, binutas nila ito para magsilbing entrance door at veranda.

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Naglagay naman sila sa harap ng napakalawak na porch kung saan mayroong mga upuan at fire fit at mga komportableng platform bed para maging tambayan at relax area habang ninanamnam nila ang napakagandang kapaligiran at sariwang hangin.

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Binutas din nila sa magkabilang dulo ang tangke upang ito ang magsilbing bintana na magbibigay ng liwanag at napakagandang tanawin sa loob. Pinintahan naman nila ng kulay puti ang ang nagsisilbing walls ng kanilang tiny house project na nagbibigay ng malinis na interior design sa loob. Kumpleto din ang kanilang mga kagamitan sa loob ng tiny house project nila kung saan naglagay sila dito ng maliit na kusina na may maliit din na dining area na gawa sa kahoy.

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Pagbabahagi ng magkapatid na,

“Our style is minimalist and emphasizes the functionality of Scandinavian style. It is extremely important to create a space where the occupants of the tiny house can feel comfortable,”

Naglagay din ng leather na sofa ang magkapatid sa loob ng bahay at kama naman na nakalagay sa kanang bahagi ng bahay katabi ng napakalaking bintana.

Photo credits: FYI Television Network | Youtube

Talagang hahanga ka sa successful na proyekto ng magkapatid na ito.

Dos and Don'ts of Deck Building | You Can't Turn That Into A House | FYI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *