Mag-Asawa, Piniling Manirahan sa mga Cruise Ship Upang Makatipid

Kadalasan, upang makatipid ang mga pamilya sa kanilang gastusin para sa kanilang tahanan, nagdedesisyon silang lumipat sa isang tiny home. Ngunit kakaiba ang mag-asawang sina Angelyn at Richard Burk dahil sa halip na sumunod sa mga karaniwang paraan ng ibang tao, naiiba ang kanilang piniling paraan.

Photo credits: Angelyn Burk | FB

Ibinenta ng mag-asawa ang kanila tahanan sa Seattle at Mayo nga noong nakaraang taon ay nagdesisyon na ang mag-asawang ito na manirahan sa mga cruise ship. Kung iisipin ay mukhang mas mahal ang paninirahan sa isang cruise ship dahil kadalasang mayayaman lamang ang nagkakaroon ng oportunidad na makasakay at makapagbakasyon sa mga ito.

Photo credits: Angelyn Burk | FB

Ngunit para kay Angelyn at Richard, nakakagulat na mas nakakatipid sila sa kanilang mga gastusin. Bukod sa libreng accommodation, nakakapagbakasyon rin sa iba’t ibang lugar at bansa ang dalawa. Ayon sa mag-asawa, mayroon silang budget na $135 para lamang sa isang araw ngunit nakakatuwang $89 lamang ang kanilang aktuwal na nagagastos sa isang araw.

Ayon sa kanila, bukod sa mas murang paraan ng pamumuhay, talagang perpekto ang ganitong pamumuhay para sa kanila dahil kinahihiligan nila ang pagtatravel at pagbabakasyon. Pagbabahagi nga ni Angelyn,

Photo credits: Angelyn Burk | FB

“We love to travel, and we were searching for a way to continuously travel in our retirement that made financial sense.”

Sa kasalukuyan nga ay nakarating na sila sa Mexico, Costa Rica, Alaska, Japan, Indonesia, Vietnam, Sydney, Singapore, Italy, Canada, at Bahamas.

Photo credits: Angelyn Burk | FB

Ibinahagi rin ni Angelyn na noon pa man ay talagang nagtitipid na silang mag-asawa sa kanilang mga gastusin kaya naman talagang nararapat lamang na matamasa naman nilang mag-asawa ang magarang pamumuhay,

“We have been frugal all our lives to save and invest in order to achieve our goal. We are not into materialistic things but experience.” Para naman sa kanilang plano kaugnay ng kanilang paraan ng pamumuhay at tirahan sa hinaharap, ayon kay Angelyn, “We don’t plan to permanently live on land in the future.” Pagbababagi pa niya, “Where else can you have your resort take you to different countries while relaxing by the pool or sleeping in a comfortable bed?”

Photo credits: Angelyn Burk | FB

Totoo nga na talagang nakaka-enganyong manirahan sa mga cruise ships. Bagamat maaaring malayo tayo sa ating pamilya, maaari naman tayong makatipid sa ating mga gastusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *