Mag-asawa Nakabili ng Lote sa Napakagandang Lugar na ito sa Halagang 100 Pesos per Sqm at Pinatayuan ng Kanilang Php 1 Million Dream Retirement Farmhouse

Ang paninirahan sa isang munting bahay kung saan napapaligiran ng magandang tanawin at sariwang hangin ay isang pangarap para sa marami, marami ang magagandang farmhouse story ang ating natunghayan at ilan sa mga ito ay ibinahagi nila ang kanilang mga naipagawang tiny house o di naman kaya bahay kubo, container house, farmhouse na talagang hinangaan sa social media.

Isang ina sa Nueva Ecija ang nagbahagi ng kanyang napakagandang farmhouse kung saan naging inspirasyon niya ang kanyang mga anak sa pag-papagawa ng kanyang napakagandang farmhouse na ito.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Sa naging esklusibong interview ng Only Good Content (OG) sa napakagandang farmhouse na ito, ipinakita nila ang ganda ng kapaligiran at ganda ng estruktura ng bahay pati narin ang magandang kwento ng pamilyang ito na nakapagpatayo ng kanilang dream retirement home sa gitna ng kabukiran.

Photo credits: OG | Youtube

Siya si Rose Joy Montejo, pangarap niyang maranasan ng kanyang mga anak ang buhay na naranasan niya sa probinsya ito ay ang patakbo takbo sa napakalawak na playground kung saan pwede sila madumihan, makapaglaro sa kanilang mga alagang hayop, makapagtanim ng halaman at madami pang iba na maari lamang maexperience sa probinsya. Gusto maexperience ni Rose ng mga anak niya ang simpleng buhay na ito na kahit walang gadget ay masaya lang.

Photo credits: OG | Youtube

Sa kanyang ipinatayong farm, makikita ang isang mini basketball hafl court, pagbabahagi ni Rose na dahil may dalawa siyang anak na lalaki ang nagiging bonding ng kanyang asawa at mga anak ay ang paglalaro ng basketball kaya naman nagpalagay siya ng ring dito.

Photo credits: OG | Youtube

Ang orihinal na plano talaga nila Rose ay magpatayo lamang ng isang simpleng bahay kubo na gawa sa kawayan sa gitna ng bukid, ngunit nabago ang lahat ng kanilang plano ng magoffer sakanya ang kanyang ama na kumuha ng mga puno na pwede nilang ipatistis sakanilang lupain para ito ang gawing materyales sa kanilang ipapagawang bahay.

Photo credits: OG | Youtube

Pinangalanan nila rose ang kanilang 2 storey farmhouse na Villa Montejo Farmhouse na may kabuoang floor area na 180sqm na may sukat na 80sqm sa baba samantalang 100sqm naman sa taas.

Photo credits: OG | Youtube

Pagpasok sa loob ng kanilang famrhouse makikita ang kanilang living area kung saan punong puno ng liwanag dahil sa naglalakihan nitong mga bintana, ayon kay Rose ito ang madalas nilang bonding place ng kanilang pamilya.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Halos 80 percent ng materyales na ginamit nila Rose sakanilang farmhouse ay gawa sa kahoy. Ang sala set naman nila rose ay gawa sa mahogany wood kung saan napakaganda at napaka pulido ng pagkakagawa.

Pagbabahagi ni Rose na isa din siyang certified plantita kaya naman kung mapapansin, bawat korner ng kanilang bahay ay may mga halaman na nakalagay, at lahat ng halamang ito ay hindi artificial dahil gusto ni rose na may source of oxygen sa loob ng bahay at nagbibigay ito ng buhay at pampagoodvibes sa kanilang farmhouse.

Photo credits: OG | Youtube

Ipinakita din ni rose ang kanyang countertop bar na gawa sa kahoy kung saan multi purpose, pwedeng kainan, inoman at lalagyan din ng ilan sa kanyang mga dining untensils.

Photo credits: OG | Youtube

Sa dining area naman ni Rose ay makikita ang napakagandang mga upuan at lamesa na gawa din sa kahoy na may eleganteng disenyo na bumabagay sa kabuoang itsura ng kanyang farmhouse. Pagbabahagi ni Rose na ang mga disenyo na makikita sa kanyang dining area ay nakuha nya lang sa online kagaya ng pinterest.

Photo credits: OG | Youtube

May dalawang bedroom ang villa montojo, isa sa baba at isa sa taas, unang ipinakita ni rose ang kwarto sa baba kung saan nakalaan talaga ang kwarto na ito sa kanyang mga magulang dahil sa mga matatanda na ito at hirap na umakyat sa taas.

Photo credits: OG | Youtube

Ipinasilip din ni Rose ang kanilang outdoor mini kitchen kung saan katabi nito ang kanilang breakfast table kung saan dito sila nagaalmusal habang ninanamnam ang sariwa at napakagandang kapaligiran at unang sikat ng araw sa umaga.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ongoing din ang pagpapagawa nila sa 2nd Phase ng kanilang plano, at ito ay ang kanilang swimming pool at mini playground para sakanilang mga anak.

Photo credits: OG | Youtube

Sa taas naman ipinakita ni Rose ang kanilang family room kung saan walang partition ang mga kama upang hindi maharangan ang napakagandang view sa kapaligiran at hindi din maharangan ang natural light na pumasok sa loob ng kanilang napakalaking kwarto.

Photo credits: OG | Youtube

Ang pinakapaboritong parte naman ng bahay ni Rose at ng kanyang asawa ay ang kanilang coffee area/balcony sa ikalawang palapag ng kanilang farmhouse kung saan napaka relaxing at refreshing ang view.

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Rose napaka swerte sila lalo na sa lupa, dahil nabili lang nila ito ng Php200,000 na may kabuoang sukat na 1,800 sqm na kung susumahin ay pumapatak lang ng 100 pesos per sqm ang presyo ng kanilang nabiling lote na ito.

Kwento ni Rose, pangarap niya talaga na magkaroon ng retirement home sa edad na 40, kaya naman ipinagdasal niya ito ng husto, at laking pasasalamat niya na narinig ni lord ang kanyang mga dalangin at ngayon ay ineenjoy niya na at ng kanyang pamilya ang kanilang pinaghirapan na dream farmhouse na may 180 degree view ng kabundokan ng Sierra Madre.

Para sa mga magaganda pa at nakakainspire na kwento, bisitahin ang youtube channel ng OG.

LOOK: P1-M Wooden Farmhouse with Breathtaking View of the Sierra Madre Mountains | Unique Homes | OG

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *