Madiskarte at Malikhaing Negosyante, Kumikita ng Mahigit Kumulang Php 300,000 sa Isang Linggo sa Pagbebenta ng Kanyang Ibat-ibang Disenyo ng Pastillas

Sa pagnenegosyo, hindi lang pera ang ikinokonsidera, kinakailangan din ito samahan ng magandang konsepto, sipag, tiyaga at pananampalataya. Madami ang nagtatagumpay sa negosyo, pero madami din ang naluluge, hindi lahat ay pinapalad pero may iba din na sweneswerte.

May iba naman na walang lakas ng loob na magbenta ng kanilang mga naisip na produkto dahil nahihiya magtinda, pero dahil gusto ng pagbabago sa buhay isang estudyante noon ang ngayon ay daan daang libo na ang kinikita dahil sa kanyang lakas ng loob, diskarte at paniniwala na uunlad ang kanyang naisip na negosyo.

Si Candy Esmundo, dating estudyante na naisip magbenta ng mga matatamis na produkto kagaya ng pastillas. Pagbabahagi ni Candy nagsimula siya mag tinda sakanilang eskwelahan noon, at dahil walang pang masyadong experience sa pagtitinda, andun pa ang kanyang hiya sa pag ooffer ng kanyang mga paninda, ngunit dahil gusto niya ng pagbabago sakanyang buhay isinantabi niya ang hiya at nagpursige na ibenta ang kanyang mga produktong pastillas sa kanyang mga kaklase.

Hindi naging madali ang pagsisimula ni Candy sakanyang business, noong una, paisa-isa lang ang omoorder sakanya pero noong ipinost niya ito online dito na unti unting dumami ang kanyang mga orders. Hindi inaasahan ni Candy na papatok ang kanyang negosyong ito, hanggang dumating ang pandemya na naapektohan ang kanyang negosyo.

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Pero hindi pinanghinaan ng loob si candy, tinignan niya ang pandemya na ito na isang magandang oportunidad para sakanyang negosyo lalo na at hindi nakakalabas ang nakakarami at pwede sila mag order lang online. Naging malaking tulong din sa negosyo ni Candy ang kanilang pagiging creative o malikhain sa kanilang mga produktong pastillas kung saan binigyan nila ng ibat-ibang itsura ang kanilang produkto.

Katulad nalang ng pastillas na itsurang street foods, mini burger, korean at japanses food, mga cartoon characters at kung ano ano pa na naging dahilan upang baguhin ang buhay ni candy na ngayon ay isa ng successfull business owner na kumikita ng mahigit kumulang Php 300,000 sa isang linggo.

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Umaabot sa 15,000 hanggang 18,000 packs ng pastillas ang ginagawa nila candy kada linggo dahil sa sobrang dami ng demands.

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Malaki din ang pasasalamat ni Candy sa kanyang negosyo na ito dahil dito nakakatulong na siya sakanyang mga magulang, natulongan niya din ang kanyang mga magulang na makapagpagawa ng sariling bahay.

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Pero ang pinaka goal ni candy ay hindi na maulit muli ang nangyari sakanyang lola kung saan nagkasakit ito hanggang pumanaw ng wala silang magawa dahil walang pera at dumadaan din sa matinding pagsubok financially.

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Mayroon nadin sariling sasakyan si Candy at nakapagpundar nadin siya ng kanyang opisina para sakanyang negosyo, may mga staff na din siya na katulong niya sa pagpapalago pa ng kanyang negosyo.

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Photo credits: PeraParaan | Youtube

Talagang kahanga hanga si Candy, at isa siya sa mga inspirasyon sa nakakarami na wag ikahiya ang negosyo na balang araw ito pala ang mag-aangat sayo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *