Lumang Mini Bus Kinonvert ng Isang Australiana sa Isang Napakagandang Off-Grid Mobile Tiny House na may 360-Degree View ng Kapaligiran na kanilang Napupuntahan

Trending na ngayon sa ibat-ibang sulok ng mundo ang pagkakaroon ng tiny house o di naman kaya mobile house na kadalasan mga mini van or bus na kinonvert sa tiny house. Katulad nalang ng napakagandang mini bus na ito na kinovert sa tiny house sa Australia.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Sa Youtube Channel na Exploring Alternatives, ifeneature nila ang isang mini bus na kinovert sa tiny house na may napakagandang disenyo sa loob, may malawak na mga espasyo, komportableng kama na nakaangat, may L-shape na couch, mini kusina, shower at toilet at napakaraming storage area na pwedeng pwedeng ilagay ang kanilang mga pangangailangan katulad ng mga pagkain at marami pang iba na kailangan nila kapag sila ay nagtratravel.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Ang mini bus na ito ay isang 2003 Toyota Coaster na kinonvert ng Australiana na si Elana sa tulong ng kanyang partner at ng kanyang ama. Ang nasabing mini bus na kinonvert sa tiny house ay kumpleto ng mga kagamitan at makinarya katulad ng solar panel para sa pangangailangan nila sa kuryente, may malaki din itong storage ng kanilang malinis na tubig para sa kanilang inomin. Kumpleto din ito ng electric appliances.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Isa sa mga pinaka highlights at talagang nagbigay ng ganda dito at pansin ay kanyang mga bintana na may 360-degree na tanawin sa loob.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Pagbabahagi ni Elana na ang bus na ito ay dating transporter bus para sa may mga kapansanan kagaya ng mga naka wheelchair kaya kung mapapansin ninyo sa bandang gilid nito ay may wheelchair lift.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Kwento pa ni Elana na swerte sya dahil ang kanyang ama ay isang mekaniko kaya marami itong alam sa sasakyan, kaya ng makuha nila ang sasakyan na ito ay agad niya itong pinasuri sakanyang ama kung saan nasa good condition panaman ang makina nito ayon sa kanyang ama.

Sa naging tour ni Elana sa kanyang mini converted tiny house makikita ang maaliwalas na view kung saan kitang kita ang kapaligiran dahil sa naglalakihang salamin ng mini bus, kumpleto din ito sa kagamitan at appliances kagaya ng coffeemaker, refrigerator, electric stove at outdoor gas stove para sa mas mabilis na pagluto.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Makikita din ang L-shape na couch na nakadugtong sa kanilang elevated na kama. May mga nakalagay din na roll up na kurtina sa lahat ng bintana ng kanilang tiny house para sakanilang privacy. Namaximize din nila ang kada espasyo ng kanilang mobile bahay kung saan lahat ng pwedeng gawing storage ay kanilang ginawa, kagaya ng lagayan ng kanilang mga damit kung saan matatagpuan ito kapag itinaas nila ang kanilang hinihigaang kama.

Photo credits: Exploring Alternatives | Youtube

Mayroon din silang banyo at shower area kung saan sila din mismo ng kanyang ama at ng kanyang partner ang nagtulong tulong na gawin ito.

Kahit sino siguro ay gusto maexperience ang ganitong buhay, yung nakakapagtravel ka ng komportable at kahit saan pwede ka tumigil at magrelax dahil lahat ng kailangan mo ay daladala mo na sa iyong mobile tiny house na pwedeng pumunta kahit saan mo gustohin.

Mini Bus Converted into Amazing Off-Grid Tiny House - Full Tour

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *