Love Story ng Isang Pinay at ng Nobyo Nito na Isang Foreigner na Nagkakilala Online, Kinagigiliwan sa Social Media

Talagang nakakatuwa ang mga kakaibang love story ng mga magkasintahan. Hinahangaan ang kanilang katatagan sa anumang hamon na hinaharap nilang dalawa. Nakakatuwa rin kung paano nila ipinaparamdam ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa lalo na kung sila ay magkalayo. Hindi na rin bago sa panahon ngayon ang mga magkasintahan na mula sa magkaibang bansa.

Ngunit kung ang iba ay may pag-aalinlangan na maghanap ng pag-ibig sa ibang bansa, ang iba naman ay matapang na sumusubok. Katulad na lamang ng magkasintahan na sina Marybell Briones o Bella, isang Pilipina mula sa Oslob, Cebu at si Michael Wentz o Mikey, mula sa Washington DC, USA. Gaya ng iba ay mayroon din silang kahanga-hangang kwento.

Photo credits: Michael Wentz | Facebook

Nagtatrabaho noong 2018 bilang medical technologist si Mikey nang makilala niya sa isang online dating site si Bella. Matapos noon ay tuloy-tuloy na ang kanilang pag-uusap sa Instagram. Mula nga sa kanilang simpleng pag-uusap ay nagkaroon na ng pagtingin ang dalawa sa isa’t isa.

Bagamat regular ang pag-uusap nilang dalawa, patuloy pa ring magkalayo sina Bella at Mikey. Sa kabutihang palad, nagkaroon sila ng pagkakataon na makita at makasama ang isa’t isa noong 2019 at dito na nga mas lumalim pa ang kanilang relasyon.

Photo credits: Michael Wentz | Facebook

Bagamat hindi na muling nagkita sa personal ang magnobyo dahil sa pandemya, hindi pa rin nawala ang kanilang pagmamahalan. Sa katunayan, ibinahagi nila kung ano ang mga katangiang nagustuhan nila sa isa’t isa. Ayon kay Mikey,

“I liked the way she looked… What’s really interesting is how she called herself petite so I checked her height and she said she was only 4’7″. I was like… I just want to talk to her.”

Para naman kay Bella, gusto niya ang pagiging adventurous at family-oriented ni Mike.

Photo credits: Michael Wentz | Facebook

Dahil sa nakakatuwang kwento ng dalawa, nagkaroon sila ng pagkakataon na makapanayam si Kara David para sa show nito sa GMA network. Sa parehong interview, sorpresang nag-propose ang foreigner sa kaniyang girlfriend.

Photo credits: Michael Wentz | Facebook

Walang mapagsidlan ng tuwa si Bella at ngayon nga na muli na silang nagkita, personal niyang natanggap ang engagement ring mula sa kaniyang fiancé.

Photo credits: Michael Wentz | Facebook

Sa muli nilang pagsasama, talagang sinusulit nila ang bawat oras upang magsaya at mas makilala pa ang isa’t isa.

I GOT MY ENGAGEMENT RING AND WE WENT TO CEBU OCEAN PARK | Mikey and Bella

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *