Isang Pamilya Nagpatayo ng Napakagandang Native Beach House sa Lugar Kung saan walang Suplay ng Kuryente, Tubig at Walang Kalsada

Karamihan saatin ay hindi naging madali ang pinagdaanan sa gitna ng pandemya, marami ang natakot para sa kanilang pamilya. Katulad nalang ng mag-asawang ito na nagpagawa ng beach house sa isang off-grid area para narin sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Sa isang video na ibinahagi ng Only Good Content (OG) sa kanilang youtube channel, isang pamilya ang kanilang kinunan ng ekslusibong interview matapos nitong ibahagi ang kanilang naipagawang Off-The-Grid Native Beach House na ginastosan nila ng mahigit kumulang Php 2 milyong piso.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Kinilala ang mag-asawang sina Antonette Bernal-Colobong 34 taon gulang at asawa nitong si Emmanuelle John Colobong 34 taon gulang. Matatagpuan ang kanilang beach house sa Camarines Sur kung saan walang source ng tubig, kuryente at walang road access. Pero sa mag-asawang ito hindi naging problema ang lahat ng ito dahil nagawan nila ng paraan ang mga pangunahin nilang pangangailangan sa pagtira sa kanilang beach house na ito.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Pagbabahagi ni Antonette na nakita nila ang lote na ito sa online kung saan agad naman nilang binisita at nagdesisyon na patayuan ng kanilang dream beach house. Ayon sa mag-asawa mahilig talaga ang kanilang pamilya maligo sa dagat at nakita nila itong oportunidad upang makatakas sa magulong ingay ng syudad at maproteksyonan narin ang kanilang mga anak sa pandemya.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Pagpasok palang sa loob ng kanilang lote ay makikita ang napakaaliwalas na kapaligiran, mayroon din sariling bahay ang kanilang caretaker na nagsisilbing bantay nila kapag wala sila sa kanilang beach house.

Photo credits: Only Good Content (OG)

May inilagay din na playground ang mag-asawa para sakanilang mga anak kung saan nilagyan nila ng buhangin upang makaiwas narn sa mga matigas na bagay na pwedeng makasakit sa kanilang mga anak kapag ang mga ito ay naglalaro.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Mayroon din na alagang aso ang mag-asawa kung saan ito ang nagsisilbi nilang bantay kapag gabi.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Maysarili din itong kulungan. Makikita din ang ilang mga pahingahan na inilagay ng mag-asawa na nagsisilbi nilang bonding place kapag sila ay nasa labas ng bahay.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Makikita din ang isang maliit na fire pit area kung saan naman dito nila ginagawa ang kanilang barbecue o di naman kaya samyupsal night.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Pagbabahagi naman ni Emmanuelle na hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo ng beach house dahil naging limitado ang mga materyales, hindi diumano makapasok ang mga malalaking sasakyan katulad ng mga trailer truck sa kanilang lugar dahil walang kalsada dito. Kaya naman halos lahat ng kanilang ginamit na materyales sa kanilang bahay ay gawang bamboo. Ilan lang sa mga concrete na kanilang ipinagawa ay ang kanilang outdoor kitchen, ang kanilang banyo dahil lagi itong nababasa.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Makikita sa kanilang dining area na halos lahat ng kanilang kagamitan ay gawa sa bamboo, kahit ang kanilang lamesa at mga upuan sa kanilang dining area ay gawa din sa bamboo.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Mayroon silang dalawang bedroom na para sakanilang mga anak at para sakanilang mag-asawa.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Mayroon naman silang maliit na kitchenette sa loob ng kanilang bahay, pero ang kanilang main kitchen ay matatagpuan sa labas kung saan nilagyan naman nila ito ng duyan na upuan.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Dahil mahilig magluto si Emmanuelle, naglagay din siya ng oven para sa nakakagawa siya ng pizza. May grilling area din siyang inilagay kung saan ipinagawa niya lang noong nakalipat na sila dito.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Ipinakita din ni Antonette ang kanyang laundry area kung saan naglagay naman siya ng duyan-duyan dito para sakanyang anak upang dito niya ito ilalagay habang siya ay naglalaba at the same time kanyang nababantayan.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Isa naman sa pinakapaboritong proyekto na ginawa ng mag-asawa ay ang kanilang viewing deck, kung saan minsan dito sila natutulog at nagbobonding na pamilya habang nilalasap ang sariwang simoy ng hangin ng kanilang kapaligiran. Presko din dito kapag sila ay dito natutulog at naglagay lang sila ng bamboo blinds kapag sila ay dito natutulog kapag gabi.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Pagbabahagi naman ng mag-asawa na inabot ang kanilang gastos sa main house ng higit kumulang Php1.5 – Php 2 milyong piso kasama na ang kanilang solar system. Paliwanag ng mag-asawa kaya din siguro malaki ang kanilang nagastos dito ay masyadong mahirap pasuking ng malalaking sasakyan at kanila itong pina rush na inabot lang ng tatlong buwan ang pagpapagawa.

Ayon kay Antonette, iba ang kanilang sayang nararanasan kapag andito sila dahil kakaibang kuntento din ang kanilang nararamdaman na hindi kayang tumbasan ng kahit anong pera o bagay.

Pero dahil malapit na bumalik ang face to face classes ng kanilang mga anak, balak i pa rent ng mag-asawa ang kanilang beach house na ito dahil gusto din nila maexperienced ng iba ang kanilang naeexperience na saya habang nakatira sa isang off-the-grid na bahay.

 

This Family Spent Almost P2M for This OFF-THE-GRID Native Beach House

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *