“Isang noodles at Itlog pag kakasyahin ko buong araw” 30 Taon Gulang na Lalaki, Nagbigay ng Inspirasyon Matapos Ikwento ang Pinagdaanan na Hirap Bago Nakamit ang Tagumpay

Totoong ang tagumpay ay hindi madaling makamit. Napakaraming pagsubok ang kailangang pagdaanan at maraming mahihirap na desisyon ang kailangang gawin. Kung minsan ay mararanasan ng isang tao na parang walang sumusuporta sa kaniya ngunit sa mga pagkakataong ito ay napakahalaga pa rin ng katatagan ng loob. Ito rin ang naranasan ng 30 anyos na negosyanteng si Prince Chan.

Ibinahagi ni Prince sa isang social media post ang kaniyang naging karanasan bago maabot ang tagumpay at kaginhawaan ng kaniyang buhay. Kwento ni Prince, sampong taon na ang nakararaan nang magsimula siya sa pagnenegosyo ngunit matapos ang ilang taon ay nakaranas siya ng pagbagsak kung saan umabot siya sa punto na gusto na niyang mamatay.

Photo credits: Prince Chan | Facebook

Ngunit kahit sa pinakamababang punto ng kaniyang buhay ay walang malapitan si Prince. Maging ang kaniyang pamilya ay hindi sumuporta at tumulong sa kaniya. Bagamat ganito ang naging karanasan ni Prince ay hindi pa rin siya nagpatalo sa mga hamon ng buhay. Pilit pa rin siyang lumaban.

Photo credits: Prince Chan | Facebook

Photo credits: Prince Chan | Facebook

Nagsimula umano si Prince sa PhP50,000 na puhunan. Halos lahat naman ng kaniyang kinikita ay ibinabalik niya sa kaniyang negosyo bilang kapital samantalang ang kakaunting halaga naman na natitira ay itinatabi niya para sa kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan.

Photo credits: Prince Chan | Facebook

Ito ang kaniyang nakagawian hanggang sa lumago ang kaniyang negosyo. Hindi rin umano nagbago ang kaniyang pamumuhay kahit na siya ay nakakaangat na,

Share ko lang
10 yrs ago nag simula ako mag business, walang naniniwala, walang sumuporta
7 yrs ago bumagsak ako halos gsto ko na mamatay dahil sobrang hirap ng buhay. walang tumulong kahit pamilya
Ako pag may gusto ako di ako sumusuko, kahit gano kadami kupal sa mundo, laban lang basta alam mo direksyon na gusto mo.
lahat ng kita iniipon ko, un 50k ko na puhunan dati, naghanap ako ng pagkakakitaan, kunyare un 50k ko kumita ng 24k, sa utak ko 4k lang pera ko haha un lang pwede ko gastusin hahaha un 20k dagdag sa puhunan yan edi 70k na, tapos ganon lang palagi haha mindset ko lagi yun na kahit gano kalaki income, di ako nag uupgrade ng lifestyle, kung dati itlog lang kinakain ko araw araw, yun padin hangang ngayon  kung ano ako dati yun padin ako ngayon, wag na wag lalaki yun ulo
isa sa mga ginagawa ko every year kinakalaban ko un sarili ko last year, dapat mas okay sa ako na last year.
dati sinubukan ko manghingi ng tulong wala ako napala kaya nag sikap ako na walang tulong galing kahit kanino, walang nakaw na ideya at diskarte, lahat galing sa sarili. walang utang at walang utang na loob
totoo na pag napagdaanan mo un totoong hirap at nabuhay ka ng walang wala, lahat ng to bonus na lang talaga
Post is not to brag but to insipire lalo sa mga nahihirapan jan, umabot ako dati talaga na pota yun isang noodles at egg pag kakasyahin ko buong araw haha tangina kaya wag susuko, kahit gano kahirap makaka angat ka din kahit pa unti unti  may kanya kanya tayong timeline
Tanggalin mo yun yabang tapos yun diskarte, dagdagan mo ng dasal minsan may chamba
at 30, nakapag patayo ako ng sariling bahay and 3 resort. All in God’s perfect time
I hope you are proud of me there in heaven pa, i miss you!

Isa rin sa kaniyang hinahangad bawat taon ay ang mapabuti pa ang kaniyang sarili at ang kaniyang pagtatrabaho,

Photo credits: Prince Chan | Facebook

Sinisikap rin niya na lahat ng diskarte at ideya ay manggagaling sa kaniya. Importante rin na umano para kay Prince ang pagdadasal, kaakibat ng pagsusumikap. Lahat nga ng kaniyang paghihirap ay napalitan ng saya. Ngayon ay may sarili na siyang bahay at tatlong resorts sa Rizal, ang The Villa, Casa Siyerra, at Siyerra Kabana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *