Isang Designer, Pinatayuan ng Isang Modernong Tropical House ang Kaniyang mga Magulang

Sa pagpapatayo ng isang bahay, napakarami ang dapat isaalang-alang. Para sa iba, isang importanteng konsiderasyon ang klima at lokasyon ng kanilang tahanan. Mula rito, pinagpaplanuhan nang mabuti ang mga disenyo at materyales ng tahanan upang masiguro ang pagiging komportable ng mga maninirahan dito. Para kay Marvin Oloris, ito rin ang isa sa mga naging konsiderasyon sa kaniyang pagpapatayo ng isang modern tropical house para sa kaniyang mga magulang.

Photo credits: realliving.ph

Ayon nga kay Marvin, limang buwan din ang hinintay ng kaniyang mga magulang para sa bahay na ito. Dagdag pa niya, tumulong din nang husto ang kaniyang mga magulang sa pagpaplano nito,

“My mother has many inputs, as does my father.

We brainstormed about it for more than a month before applying for a building permit.”

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Sa kanilang pagpaplano, siniguro nila na magiging komportable ang mga taong maninirahan dito kaya naman kumuha sila ng inspirasyon mula sa mga canopy trees. Mula rito, napagpasyahan nila ang tropical-inspired na disenyo na perpekto rin naman sa mainit na klima ng Pilipinas.

Photo credits: realliving.ph

Pagbabahagi rin ng mga may-ari, noong una ay isa lamang itong bungalow na mayroong kusina, palikuran, at gym ngunit napagdesisyunan nilang magdagdag ng ikalawang palapag upang magkaroon ng karagdagang silid para sa kanilang mga bisita. Plano rin nilang maglagay ng entertainment room.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Sa tabi ng tropical house na ito makikita ang tahanan ng mga may-ari kaya naman siniguro nila ang open layout ng tropical house upang mas madaling mapuntahan ang dalawang bahay. Kapansin-pansin din ang extension ng bubong ng bahay. Dahil dito, talagang makakapagrelax ang pamilya o kaya naman ay maaaring magkaroon ng outdoor dining space.

Photo credits: realliving.ph

Pagdating naman sa mga materyales ng bahay, gumamit sila ng bakal at kahoy. Pinili rin nilang gumamit ng jalousie para sa mga bintana nito. Ayon sa designer, “It’s better fitted in a tropical climate.” Kapansin-pansin din ang mga artificial grass na makikita sa balcony ng bahay. Ayon sa mga may-ari ng tropical house,

“It makes the house more refreshing, masarap po tambayan for small talks and board games with loved ones and families.”

Bukod sa kakaibang disenyo ng bahay na ito, talagang mukhang napakakomportable ng mga bisita rito. Talagang masasabi na perpekto ito para sa mga pagtitipon at salu-salo ng pamilya ni Marvin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *