Isang All-In Private Island sa Palawan, Maaaring Rentahan sa Halagang PhP 5,000 Per Night

Ngayong panahon ng tag-init, dadayo na naman ang mga turista sa iba’t ibang resorts. Ngunit dahil narito pa rin ang banta ng pandemya, marami rin sa kanila ang nagnanais na makapagrelax sa isang pribado at eksklusibong resort o isla.

Ang North Cay ay isang private island sa Palawan. May lawak itong 1.7 hectares. Madali ring marating ang resort na ito sapagkat 30 minutos lamang ang layo nito mula sa airport samantalang 20 minutos naman ang layo nito kung sasakay sa isang bangka.

cc

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Gaya ng mga isla sa Pilipinas, pino at napakaputing buhangin ang sasalubong sa mga bisita rito. Mayroon ding isang bar kung saan maaaring magsaya ang mga guests. Sa kabilang banda naman ng isla maaaring makita ng mga turista ang giant clams ng lugar.

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Kung papalarin naman ay maaari din nilang makita ang mga pinangitlugan ng mga sea turtles. Sa likurang bahagi naman ng isla makikita ang mga rock formations ng isla gayundin ang sandbar nito.

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Dagdag pa rito, maaari ding mag-snorkeling at mag-paddle boarding ang mga bisita. Para naman sa mga nais makita ang kagandahan ng sunsets, mayroon din silang sunset deck. Nagkakaroon naman sila ng cinema at karaoke pagsapit ng gabi. Mayroon ding dalawang villas sa isla.

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Ang isa ay tinatawag na Fan Villa kung saan kasyang-kasya sa tatlo nitong silid ang anim na tao. Sa Aircon Villa naman makikita ang dalawang silid. Sapat na sapat din ito para sa sampung tao.

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Ayon sa manager ng isla na si Nikki Cruz, lalong pumatok ang private island noong nagsimula ang pandemya kung saan mas gusto na ng mga tao ang pribado at mas ligtas na pagbabakasyon. Dito rin nila naisip na magbigay ng all-in private island experience sa mga bisita kung saan kasama rito ang transportation, food, at syempre, ang mga kagamitan sa isla gaya ng mga kayaks.
Bagamat napakaganda nga ng lugar, marami pa ring hamon dito.

Photo credits: Only Good Content (Youtube)

Ayon kay Nikki, ibinabyahe pa mula sa kalapit na isla ang kanilang tubig samantalang generator naman ang ginagamit para sa kanilang kuryente. Dahil sa hirap ng pagbabyahe para sa mga pangangailangan na ito, plano nilang gumamit ng solar energy at desalination ng tubig-dagat.

Sa ganda at pagiging eksklusibo ng isla, talaga nga namang sulit ang gagastusin para dito.

All-in PRIVATE Island Experience for 5K/Night — We Have the Location + More Deets | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *