Dating Sampayan, Kinonvert ng Pamilyang ito sa Isang Napakagandang Bali-Inspired Oasis na may DIY Pool

Nang magsimula ang pandemya, madami ang nai-stuck sa kanikanilang mga bahay at karamihan sa mga ito ay naghanap ng mapagkaaabalahan. Isa sa mga nagviral sa social media ay ang pamilya na ito na ang kanilang sampayan ang kanilang napagdiskitahan.

Nagviral ang pamilya na ito matapos nilang itransform ang dati nilang sampayan sa ngayon ay napakaganda ng tambayan na mala Bali-Inspired Oasis na may DIY Pool ang tema. Yung dati nilang rooftop na sampayan lang naging instant paraiso kung saan anytime pwedeng pwede magrelax ang pamilya.

Si Raj Bay, 30 taon gulang at isang digital marketer sa isang events production company ang nagbahagi ng kanilang na kaniyang naging masayang experience sa pagtransform nila ng kanyang pamilya ng kanilang roofdeck sa sa tambayan pool. Pagbabahagi ni Raj,

“We’re finally able to transform our roofdeck into an oasis after 30 loooong days! I really love Bali, if I can go there now, I would, but I can’t, so we just recreated our own mini version,”

Photo credits: realliving.com.ph

Sa isang eksklusibong interview ng SmartParenting.com.ph kay Raj, ibinahagi nito na dahil sa pandemya nagdesisyon silang magingat at limitahan ang kanilang paglabas, lalo na’t ang kanyang mga magulang ay kasama sa mga high risk. Dahil hinahanap hanap pa din nila ang paglabas labas, biglang naisipan nila na bakit hindi nalang pagandahin at gawing roof top pool ang kanilang sampayan na may kabuoang sukat na 40 sqm.

Pagbabahagi ni Raj, mahigit 10 taon ng bakante ang kanilang roof deck at ginagawa lang nila itong sampayan, kaya naman noong malapit na magbirthday si Raj at ang kanyang ina at malapit narin ang summer, naisipan ng pamilya nila na bakit hindi nalang nila pagandahin ang kanilang roofdeck at gawin itong hang out place ng kanilang pamilya at lagyan nila ng swimming pool.

Ayon kay Raj, ang pagpapagawa ng swimming pool sa roofdeck nila ay kinakailangan ng malaking halaga ng pera kaya naman para makatipid, nakaisip ng paraan ang kanilang pamilya para makapag DIY ng kanilang swimming pool sa kanilang roofdeck ng hindi gumagastos ng malaki.

“The pool is a Bestway non-inflatable, then nagpagawa kami ng wood decking around,”

“We set up a PVC pipe from the water tank to the pool. Then, may on and off switch. The other hole is for the drain, which goes to the filter. The third hole is from the filter (cleaned water back to the pool),”

Photo credits: realliving.com.ph

Naglagay din ng maraming halaman ang ina ni Raj since ito ay plantita na mas nagbigay ng kulay at nakakarelax na vibes sa kanilang napakagandang family tambayan.

Photo credits: realliving.com.ph

Pagbabahagi ni Raj aabot sa Php 50,000 ang kanilang nagastos sa pagpapagawa, kasama na ang pool, furniture, accesories at labor kung saan mayroon silang dalawang trabahador. Narito at silipin ang kanilang napakagandang Bali-Inspired Oasis With a DIY Pool.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *