Dating Pinay Yaya, Sinurpresa ang kanyang Dating Alaga na Isang Singaporean na Kanyang Inalagaan ng 27 Taon sa Araw ng Kasal nito

Kadalasan ay naririnig natin ang mga masalimuot na karanasan ng mga Pilipinong domestic helper sa ibang bansa ngunit mayroon pa ring pagkakataon kung saan maayos ang pagtrato sa ating mga kababayan. Kung minsan pa nga ay parang isang tunay na kapamilya na ang turing sa kanila. Dahil rin sa mahabang panahon ng kanilang paninilbihan ay napapamahal na ang bawat miyembro ng pamilya sa kanila.

Gaya ng Singaporean na kinilalang si Kelly, pamilya na ang turing niya sa Pilipinang naging yaya niya sa loob ng 27 na taon. Sa isang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, inalala ni Kelly ang mga magagandang alaala kasama ang kaniyang Nanay Lita. Maging ang mga kantang Pinoy at ang paraan ng pananalita nito ay naaalala pa niya.

Photo credits: KMJS | Youtube

Dagdag pa ni Kelly, napakapasensyoso umano ni Nanay Lita. Nagbibigay rin ito ng mabubuting payo sa kaniyang mga alaga.

Photo credits: KMJS | Youtube

Masasabi rin na napakasipag ni Nanay Lita sapagkat kasabay ng kaniyang pag-aalaga sa ibang tao, nakapagpundar din siya ng bahay at anim na hektaryang lupain para sa kaniyang pamilya. Dahil dito, hindi na nakapagtataka kung talagang humanga kay Nanay Lita ang kaniyang mga alaga.

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Ngunit matapos nga ang 27 na taong paninilbihan ay nagretiro na siya noong 2018 at nagdesisyong umuwi sa Pilipinas. Hindi rin naman naputol dito ang kanilang magandang samahan dahil tuloy-tuloy ang naging komunikasyon nila. Dito na rin niya natanggap ang isang napakahalagang kahilingan mula kay Kelly, at ito ay ang makapunta siya sa araw ng kaniyang kasal.

Photo credits: KMJS | Youtube

Bagamat handang-handa na noon si Nanay Lita na masaksihan ang importanteng okasyon na ito, nagkaroon siya ng ilang problema sa kaniyang passport at insurance. Dahil dito, hindi na inakala ni Kelly na makakadalo ang kaniyang pinakamamahal na yaya sa araw ng kaniyang kasal.

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Sa kabutihang palad, lingid sa kaalaman ni Kelly, gumawa ng paraan ang kaniyang kapatid upang makapunta ang kanilang yaya at sorpresahin siya. Dahil sa madamdamin nilang pagsasama muli, hindi maiwasang maluha ng buong pamilya. Matapos ang kasal, sinamantala naman ni Kelly na pasayahin ang kaniyang Yaya Lita.

Photo credits: KMJS | Youtube

Talagang napakamadamdamin ng muling pagkikita ni Nanay Lita at ng kaniyang mga naging alaga. Patunay lamang ito na naging mabuti siyang tagapangalaga ng mga ito.

PINAY YAYA, SINORPRESA ANG DATING ALAGANG SINGAPOREAN SA ARAW NG KANYANG KASAL | KMJS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *