Dating Lumang Bodega, Ngayon ay Isa Nang Napakagandang Tiny House na may Roof Deck

Parami nang parami na ngayon ang nagtatayo ng kanilang sariling tiny house. Bukod sa napakaganda nitong tingnan, iba’t ibang mga materyales ang pwedeng gamitin para dito kaya naman kahit sa maliit na budget ay posibleng magkaroon ng komportableng rest house.

Kinagigiliwan nga ngayon ang Valeo Tiny House na dating isang bodega. Ayon sa may-ari ng tiny house na si Feliz Lucas, nagkaroon sila ng inspirasyon mula sa isang TV show tungkol sa mga tiny house. Naalala rin nila ang kanilang maliit na bodega kaya naman nagkaroon sila ng ideya na pagandahin ito para na rin sa nalalapit na birthday ng kanilang anak,

“We were watching Tiny House Nation on Netflix and remembered the old bodega. We thought it would be a good space where we can hold our daughter’s 2nd birthday.”

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Dali-dali rin naman nilang pinagplanuhan at sinimulan ang konstruksiyon ng tiny house,

“We worked with sketches made at the back of receipts, planned the electrical placements, and even the plumbing.”

Sa loob lamang ng isang buwan ay natapos rin ang kanilang pagpapatayo ng tiny house. Vintage ang tema ng maliit na sleeping area kung saan makikita ang isang maliit na work desk. Sa isang banda naman ay makikita ang maliit na kusina at lounge ng tiny house.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mid-century at industrial naman ang tema ng banyo na kanilang ipinagawa.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Nagkaroon umano ito ng ilang problema noong una ngunit masaya pa rin ang mga may-ari sa naging resulta. Kahanga-hanga rin ang idinagdag na roof deck sa tiny house kung saan maaaring magpahinga ang pamilya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Siniguro din nila na maayos ang outdoor area upang magmukhang malawak ang tiny house. Naglagay rin sila ng kaunting dekorasyon para sa pagpapaganda ng lugar. Hands-on naman ang mga may-ari sa pagpili ng mga dekorasyon na ito gayundin ang pamimili ng mga furnitures. Ayon sa mga may-ari, pinili nilang bumili ng murang mga gamit sa ilang online shops upang makatipid. Gumamit din sila ng mga lumang furnitures. Kwento nga ni Feliz,

“For the door, we had an old sliding door and we just called a glass supplier to ask if we can use it. We only spent money for a new frame.”

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Totoong isang nakakatuwang proyekto ang pagpapagawa ng isang tiny house. Sulit na sulit ang oras at pera na ginugol dito sapagkat talagang napakaganda ang resulta nito.

Old Bodega Turns Into A Tiny House With Roof Deck | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *