Dahil sa Kanyang Siomai Business, Dating Riles Boy Isa na Ngayong Matagumpay na Negosyante, Kumikita ng Php 1 Milyong Piso sa Isang Buwan

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid ng isang dating riles boy dahil ngayon nga ay isa na siyang matagumpay na negosyante. Ang kwento nga ng buhay ni Henry Guruta ay nagsilbing inspirasyon sa marami na mula sa kapos sa buhay ngayon nga ay isa nang milyonaryo.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Masalimot na daan ang tinahak ng isang riles boy na ngayon ay isa ng matagumpay na negosyante ng somai na si Henry Guruta. Si Henry ay lumaki sa riles ng train kasama ang kanyang ama ata dalawang kapatid. Nang iwanan sila ng kanyang ina sa murang edad na sampung taong gulang ay natuto na syang magbanat ng buto para sa kanilang pamilya.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Mas lalo namang naging mahirap ang sitwasyon ng kanilang pamilya nang mabuntis ang kanyang nakakabatang kapatid na babae habang nag-aaral. Dahil nga dito, ay mas lalo pang nagsumikap si Henry kung saan nga ay nagdoble kayod siya upang matustusan ang pangangailan ng kanyang kapatid at ang anak nito.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Hindi nagpatinag si Henry sa hamon ng buhay bagkus nga ay mas piniling magpatuloy sa kabila ng hirap na nararanasan. Pinasok niya nga ang iba’t ibang trabaho habang nag-aaral.

Kasabay ng kanyang pagiging working student, ay nagtinda siya ng kung ano-ano upang makapagtapos sa kolehiyo. Sa huli nga ay nagbungga ang lahat ng kanyang paghihirap at pagsususmikap para lamang makapagtapos siya ng kolehiyo.

Pagkatapos na makamit ang diploma tumungo si Henry sa Nueva Ecija dito niya nakilala ang asawang si Jean. Magkasamang tumaya ang mag-asawa sa pagpasok sa negosyo. Gumawa sila ng sariling homemade recipe ng somai. Nagkaroon sila ng stall malapit lamang sa kanilang bahay at dito naibenta ang kanilang kauna-unahang homemade somai recipe.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Naging patok ang kanilang negosyo sa masa at hindi nga nagtagal ay meron na itong 500 na branches sa boung bansa. Sinubukan rin nila ang iba pang produkto para ibenta subalit mas tinatangkilik ng mga tao ang kanilang somai.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Photo Credits: Rated Korina| YT

Ibinahagi ni Henry na ang somai ang nagbigay sa kanila ng maginhawang buhay sa panayam kay Henry sa Rated Korina.

Talagang nagbunga ang mga pinaghirapan ni Henry kung saan may factory na rin siya ng kanyang mga siomai sa Porak Pampanga.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Photo Credits: Rated Korina| YT

Photo Credits: Rated Korina| YT

Mayroon narin siyang walong truck, bahay at lupa at mga nagagandahang sasakyan.

Photo Credits: Rated Korina| YT

Photo Credits: Rated Korina| YT

Photo Credits: Rated Korina| YT

Photo Credits: Rated Korina| YT

Pagbabahagi ni Henry na kumikita na siya ngayon ng mahigit kumulang Php1 milyong piso sa isang buwan.

Photo Credits: Rated Korina| YT

“Yung mga hardships ko sa buhay noon, talagang nagamit ko siya ngayon. Na-apply ko sa buhay ko ngayon,”

Huwag nating gawing dahilan ang kahirapan para umayaw at sumuko sa ating mga pangarap. Bagkus nga ay gamitin natin ito bilang motibasyon upang makaahon at maging matagumpay.

Katulad na lamang nga ni Henry na hindi sumuko at napagtagumapayan ang lahat ng dagok sa buhay. Maaring hindi sang-ayon ang panahon sayo ngayon ngunit darating rin ang liwanag para makamit ang inaasam na tagumpay.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *