Batang Pangarap Maging Guro, Matiyagang Pumapasok sa School Kasama ang Inaalagang Kapatid
Responsibilidad ng magulang ang gabayan at pangalagaan ang kanilang mga anak. Ngunit paano kung pinasa at ipinaako nila ito sa isa ring bata, hindi bat tila kay hirap isipin na sa murang edad pa lamang napalaki na ang kanyang responsibilidad na hinahawakan.
Sa nakaantig na kwentong pinost sa Facebook ng isang guro mula sa Katipunan Elementary School sa Bayunan City, Agusan del Sur, ikwenento niya ang kalagayan ng isa sa kanyang estudyante na makakaantig at pupukaw sa ating mga puso’t isip.
Ayon sa gurong nagpost nito, na si Teacher Herarld Hope Tero-Mangle Apole, araw-araw niyang napapansin at nakikita ang isa sa kanyang estudyante na pumapasok sa paaralan na kasama at kandong-kandong pa ang kanyang kapatid habang pursigidong nag-aaral. Di umano, kahit hindi nakapagalmusal at walang baon ang naturang estudyante, masipag pa rin itong
pumapasok habang bitbit at inaalagaan ang kanyang kapatid.
Ang guro ay hindi napigilang maawa sa kalagayan ng kanyang estudyante at sa kapatid nito, ngunit kalakip ng awa ay ang paghanga niya sa bata dahil pursigido pa din itong nag-aaral kahit
ganoon ang kalagayan. Ayon sa post ni Teacher Herald, mula sa mahirap na pamilya ang naturang magkapatid at sa murang edad pa lamang ay tumatayo na itong parang magulang.
Napahanga ang mga netizen na nakabasa ng post na ito sa sakripisyong ginagawa ng naturang batang estudyante, sinasabay ang pag-aaral at pag-aalaga sa kanyang kapatid. Makikita sa
bata ang determinsayong maabot ang inaasam na pangarap na maging guro balang araw.
Sa pangarap ng isang batang maging guro, tunay na magiging isang inspirasyon ito sa mga kagaya ni Teacher Herald na nagtuturo araw-araw sa mga kabataan. Tiyak rin na masisiyahan
ang ating bayani na si Jose Rizal sa mga batang masikap at may pangarap. Magiging isang inspirasyon din ito sa mga kapwa kabataan na nag-aaral na kung may pangarap ka, walang kung ano ang makakahadlang sa pagkamit mo nito. Maging inspirasyon ito sa bawat isa sa atin na patuloy lang sa pagabot ng pangarap. Tunay nga na may pag-asa pa ang mga kabataan na maging isang tulay sa ating kinabukasan.
Narito ang buong post ni Teacher Herald:
D. E. T. E. R. M. I. N. A. T. I. O. N.
” I want to be a teacher”, he said He chose to go to school even without his breakfast. He chose to go to school even without his baon. He chose to go to school even without wearing his uniform. He chose to give what he has for his younger sibling. He chose to go to school even doing a parent’s role…. “I want to be a teacher”, he said….