Stories
36 Taong Gulang na Ina, Grumaduate sa Kolehiyo Kahit Laging Karga-karga ang Kanyang Anak

Ang edukasyon ay isa sa mga mahahalagang yaman ng isang tao, kaya naman talagang marami sa atin, kahit hirap man sa buhay ay pinagsisikapan na maigapang ang kanilang pag-aaral, o di kaya naman kahit ilang taon ng natigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan, ay pinipili pa ring balikan ang pag-aaral at tapusin ito.
Ngayon nga ay isang kwento na puno ng inspirasyon muli ang ating matutunghayan dahil ito’y tungkol sa dediksayon na tuparin ang pangarap na magkaroon ng edukasyon.
At ito nga ay patungkol sa naging pag-aaral ng isang 36-taong gulang na netizens, na sa kabila ng kanyang edad na medyo nasa katandaan na upang maging isang mag-aaral ay pinili pa rin niya ang mag-aral. Maliban pa nga rito, ay ibinahagi rin niya na habang siya ay nag-aaral ay kandong-kandong niya ang kanyang anak, na kinakailangan niyang alagaan habang siya ay pumapasok sa paaralan.
Photo credits: Ira Lectana Baldonaza | Facebook
Sa naging pagbabahagi nga ng netizens na kinilalang si Lectana Baldonaza, siya ay nasa 36-tong gulang na ng maisipan niya ang muling magbalik sa eskwela upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Photo credits: Ira Lectana Baldonaza | Facebook
At kahit marami siyang naririnig na mga kritisismo na nagsasabing bakit pa siya magbabalik sa pag-aaral eh matanda na siya, ay binalewala niya ito at mas piniling maging determinado na tuparin ang kanyang pangarap na makapagtapos.
Ayon nga sa naging paglalahad ni Lectana, naniniwala siya na ang edukasyon ay habamuhay na proseso, kaya naman talagang kahit marami siyang naririnig noon na kritisismo ay talagang hindi siya nagpadaig sa mga ito.
Ngunit sa kanyang pag-aaral, ay isa pagsubok ang dumating sa kanyang buhay, at ito nga ay ang kanyang naging pagdadalang-tao, habang siya ay nasa 4th year college na. Nanganak umano siya noong unang semester ng kanilang klase, kaya naman buong akala niya ay magiging madali na lang para sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral dahil sa maaari naman niya umanong iwan ang kanyang sanggol sa kanilang bahay, ngunit ito pala ay hindi maaari dahil sa naging kalagayan ng kanyang anak.
Photo credits: Ira Lectana Baldonaza | Facebook
Base nga sa naging kwento ni Lectana, nag G6PD positive ang kanyang anak, kung saan ay napakaraming bawal dito, at kinakailangan nito na i-breastfeed lagi, dahil sa ayaw rin nitong uminom ng mga formula milk.
“Kaya I have no choice kundi isama anak ko, kasi sa school bawal magdala ng babies but since may G6PD siy, pinayagan ako. Mahirap sobra pero kinayya ko. And that starts na naging classmate ko anak ko”, saad nga ni Lectana.
Pagbabahagi pa nga ni Lectana, sa loob ng kanyang klase ay kandong-kandong niya ang kanyang anak, habang nakikikinig sa kanilang guro, at dahil sa lagi niya na ito kasama sa pagpasok, ay tila naging classmate na nga niya ito.
Nagpasalamat naman si Lectana, sa lahat ng teaching at non-teaching staff ng eskwelahan na kanyang pinasukan, ito ay dahil sa sinuportahan at inunawa ng mga ito ang kalagayan niya at ng kanyang anak na kasa-kasama niyang pumapasok.
“Thank you to all teaching and non-teaching staff of COED, sobrang supportive nilang lahat. Thank you for everything and I’m forever grateful.”
Ang naging pagbabahagi ngang ito ni Lectana ng kanyang kwento, ay umani ng mga papuri sa mga netizens, kung saan ay napakarami na rin ang nag “react at share” nito online.
Photo credits: Ira Lectana Baldonaza | Facebook
Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens na humanga sa kwento ng matagumpay na pagatatapos ni Lectana sa kanyang pag-aaral,habang kasa-kasama sa paaralan ang kanyang anak.
“Hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak para tuparin mo ang iyong mga pangarap. Kapag may gusto, maraming paraan. Saludo ako sa iyo.”
“Nakaka-proud ka po mommy and especially sa lahat ng mga guro mo na very supportive sa baby mo. Nakakatuwa naman sila, sobra.”
Isang inspirasyon nga naman para sa marami ang kwento na ito ni Lectana, kung saan ay ipinapabatid nito kanino man na lahat ng panagarap ay may katuparan, gaano man ito kahirap, basta ito ay iyong pagsusumikapan.
