25-Taon Gulang na Dalaga, Ibinili ng Lupat at Ipinagpatayo ng Bahay ang kanyang mga Magulang Bilang Pasasalamat sa mga ito

Kadalasan, mahabang panahon ang ating hinihintay at maraming oras ang ating ginugugol bago pa natin makamit ang ating mga pangarap. Ngunit kakaiba ang 25 anyos na si Beverly Maquiñana na dahil sa kaniyang dobleng pagkayod ay nakuha niya ang kaniyang inaasam na bahay at lupa para sa kaniyang pamilya.

Kwento ni Beverly, lumaki siya sa mga squatters area ng Recto. Simple lamang ang kanilang pamumuhay. Bukod sa ilang beses nilang naranasan na masunugan, hinihiram lang din ni Beverly ang ilang gamit sa eskwelahan gaya ng sapatos at bag.

Dahil sa mga hamon na kaniyang pinagdaanan sa murang edad pa lamang, namulat na siya sa kahalagahan ng pag-aaral at pagsisikap. Dahil dito, ginawa ni Beverly ang lahat para lamang makapagtapos at makapagtrabaho agad. Nagbunga rin naman ng maganda ang kasipagan ni Beverly sapagkat sa edad na 18 taong gulang ay agad siyang nakapagtapos sa pag-aaral at nakakuha ng magandang trabaho.

Matapos nga ang ilang taong pagtatrabaho sa bansa ay nakatanggap ng isang malaking oportunidad si Beverly. Kwento niya,

“I constantly challenged myself — I worked in Ph for about 4 years until the biggest US bank offered me a Project Manager role in HK.”

Dahil dito, hindi na rin pinalagpas ni Beverly ang pagkakataon na ito. Kahit siya ay may magandang posisyon at trabaho sa ibang bansa, patuloy pa rin siyang nagsipag upang makamit ang inaasam na kaginhawaan ng kaniyang pamilya. Pagpapatuloy niya,

“After 3 years sa HK nakaipon ako at nakapundar ng bahay at lupa para kila mama at papa. At the age of 25, nabigay ko na din yung regalong pinaghirapan ko for them, praise God!”

Gaya nga ng kaniyang kwento, hindi nagtagal ay nakuha na rin ni Beverly ang pinapangarap na bahay at lupa.

Walang mapagsidlan ng tuwa si Beverly kaya naman labis ang kaniyang pasasalamat sa Diyos dahil sa biyaya at tagumpay na ito. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kaniyang pamilya na walang-sawang sumuporta sa kaniyang trabaho,

“At laking pasasalamat ko sa mga magulang ko na iginapang makapagtapos lang ako, mga kapatid ko na naginspire sa akin, pati na rin sa mga kaibigan at katrabaho ko na tumulong sakin. At syempre, all glory kay God!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *