22 Anyos na Negosyante, Natupad ang Pangarap sa Tulong ng Maliit na Cookie Business

Dahil sa mga maliliit na negosyo, maraming tao na rin ang nagtagumpay. Kung ang iba ay nakapag-ipon, ang iba naman ay nakapagpundar ng bahay o nakabili ng iba’t ibang ari-arian. Para naman kay Daeron Carlo Pabiloña, 22 taong gulang, nakatulong ang kaniyang cookie business na Everydae Indulgence upang matupad ang kaniyang pangarap na magkaroon ng sariling kwarto at mini-office.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Itinuturing lamang na libangan noon ni Daeron ang pagbebake. Hinihikayat rin siya ng kaniyang mga kaibigan na magbukas ng maliit na negosyo ngunit hindi niya ito magawa sa kadahilanang mayroon siyang trabaho noon. Paminsan-minsan lamang siyang tumutulong sa kaniyang nanay sa sarili nitong negosyo.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Ngunit noong nagsimula ang pandemiya, napagtanto niya na gusto niya talaga ang pagbebake kaya naman nagresign siya sa trabaho para simulan ang kaniyang cookie business. Mula sa ₱2,000 na kapital, nakapagbenta siya ng cookies na may iba’t ibang flavour. Ibinahagi rin niya sa social media ang mga ibinebentang cookies. Kalaunan, nakapag-ipon din si Daeron noong naging maayos ang kaniyang kita.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Dahil dito, nakapagsimula na rin siya sa kaniyang proyekto. Ayon kay Daeron, ang storage room ang pinakamaliit na kwarto sa kanilang bahay ngunit maaari itong magamit bilang kwarto at mini-office. Nagsisilbing storage room ito ng pamilya kaya naman kinailangan niya munang linisin ang kwarto.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Hiningi rin niya ang tulong ng isang architect upang makapag-design ng “Tagaytay cabin look” para sa kwarto. Tinulungan din siya ng kaniyang tatay sa ilang mga gawain para sa kwarto.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Matapos nga ang ilang araw ay natapos rin ang proyektong ito. Ayon kay Daeron, dahil sa maliit at limitadong espasyo ng kwarto, pinili niyang magpagawa ng isang loft bed. Sa ilalim nito ay ang kaniyang opisina.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Ang mga hagdan naman nito ay ginawa niyang cabinet para sa kaniyang mga damit. Mayroon din siyang sofa bed, floating shelf, at mesa. Nagkaroon din ng dagdag na mga ilaw para sa kaniyang opisina. Pininturahan naman ng puti at asul ang mga dingding na bagay sa mga dekorasyon na gawa sa kahoy.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | FB

Ngayon nga ay nagkaroon na si Daeron ng mas maaliwalas at komportableng opisina kaya naman siguradong makakapagtrabaho siya nang maayos para maging mas maunlad pa ang kaniyang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *